AKYAT-BAHAY HULI SA NAIWANG T-SHIRT

CAVITE – Dahil sa naiwang t-shirt, nakilala at naaresto ang isang 26-anyos na lalaking pumasok at tumangay ng mahigit sa P38,000 cash sa isang bahay sa Imus City, noong Linggo ng gabi.

Nasa kustodiya na ng Imus City Police ang suspek na si Zildjan Sarno y Paredes, 26, binata, ng Imus City, dahil sa reklamo ni Merle Ramirez y Sabale, 69, ng nasabi ring lugar.

Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Edilberto Reyes Jr., ng Imus City Police, pinasok ng suspek ang bahay ng biktima sa Brgy. Anabu 1-F, Imus City, sa pamamagitan ng bintana dakong alas-12:30 ng hapon at tinangay ang tinatayang P38,000 cash.

Natuklasan naman ito ng ginang nang may mapansin itong naiwang t-shirt dahilan upang ipaalam nito sa kanilang barangay kaya nagsagawa ng follow-up operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

(SIGFRED ADSUARA)

113

Related posts

Leave a Comment