RIDER BUMANGGA SA PUNO, PATAY

CAVITE – Nalagutan ng hininga ang isang rider makaraang bumangga ang minamanehong motorsiklo sa isang puno sa gitna ng center island sa Imus City noong Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ang biktimang si Niño Edmundo Panganiban Barnido, nasa hustong edad, residente ng Molino 2, Bacoor City, Cavite.

Ayon sa ulat, dakong alas-4:00 ng madaling araw nang mangyari ang insidente habang minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklong may plakang 323DAR at binabagtas ang Daang Hari sa Brgy. Pasong Buaya 2, Imus City, Cavite patungo sa direksyon ng Aguinaldo Highway.

Subalit pagsapit sa tapat ng lumang cockpit arena nang bumangga ito sa isang puno sa center island sa naturang lugar.

Dahil sa pangyayari, nabagok ang ulo nito na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

(SIGFRED ADSUARA)

42

Related posts

Leave a Comment