RIDER NABUKING SA DAMO, ARESTADO

ARESTADO ang isang 28-anyos na motorcycle rider makaraang makumpiskahan ng umano’y marijuana sa inilatag na checkpoint ng mga pulis sa San Miguel Road, Brgy. 275, Binondo, Manila noong Miyerkoles.

Kinilala ang suspek na si Aries Agustin, binata, residente ng Malagasang, Imus City, Cavite

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Ness Vargas, station commander ng Manila Police District – Delpan Police Station 12, bandang alas-5:30 ng madaling araw na maaresto ang suspek sa nasabing checkpoint.

Balisa umano ang rider nang parahin sa checkpoint at nang siyasatin ang dala nitong backpack ay nadiskubre sa loob nito ang isang bungkos ng pinatuyong dahil ng marijuana.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(RENE CRISOSTOMO)

60

Related posts

Leave a Comment