MARAMI PANG MALLS LALAHOK SA ‘REGISTER ANYWHERE’ PROGRAM NG COMELEC

MARAMI pang malls ang lalahok sa ‘Register Anywhere’ Program ng Commission on Elections (Comelec) sa ilalim ng kasunduan na nilagdaan noong Huwebes, Pebrero 8

Lumagda ang memorandum of agreement ng SM Supermalls, Megaworld Lifestyle Malls, at Robinsons Malls para sa programa. Lumagda rin ng parehong kasunduan ang Festival Mall noong Miyerkoles.

Bunsod nito, umabot na sa 170 ang bilang ng malls na katuwang ng Comelec para maisulong ang “Register Anywhere” Program.

Sa ilalim ng programa, ang mga Pilipino ay maaaring magparehistro bilang mga bagong botante, muling i-activate ang kanilang account, ilipat ang pagpaparehistro, at pagwawasto o i-update ang impormasyon ng botante sa mga partner establishments tulad ng mga mall, paaralan, pribadong kumpanya, at mga tanggapan ng gobyerno.

Ang pagpaparehistro ng mga botante sa bansa ay mula Pebrero 12 hanggang Setyembre 30.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na hindi na ito palalawigin.

“Therefore po, samantalahin habang maaga na andiyan ang mga malls. Convenience po ang maga-guarantee namin sa bawat isa,”saad ni Garcia.

Kasabay nito, binalaan ang publiko laban sa pagkakaroon ng double o multiple registrations.

Ayon kay Garcia, mahaharap sa kasong election offense na may kulong na isa hanggang tatlong taon kapag may double o multiple registrants.

(JOCELYN DOMENDEN)

36

Related posts

Leave a Comment