RIDER TODAS SA MINI BUS

CAVITE – Patay ang isang motorcycle rider nang banggain ng isang mini bus habang papatawid sa isang intersection sa bayan ng Kawit, sa lalawigang ito, noong Linggo ng umaga.

Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Alvin General Ferrarin, nasa hustong edad, habang kinilala ang driver ng Isuzu RB mini bus na may plakang DWY 476, na si Michael Aplacador, nasa hustong edad.

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Nelvin Trajico ng Kawit Police Station, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklong Rusi habang binabagtas ang Centennial Highway dakong alas-5:20 kamakalawa ng hapon.

Ngunit pagsapit sa intersection sa Brgy. Magdalo-Putol ng nasabing bayan, habang papatawid nang banggain siya ng isang mini bus na minamaneho ni Aplacador na binabagtas din ang nasabing kalsada patungo sa direksyon ng Tanza.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, agad nalagutan ng hininga ang biktima. (SIGFRED ADSUARA)

137

Related posts

Leave a Comment