RIPRAP SA LAGUNA GUMUHO; 1 PATAY, 2 KRITIKAL

LAGUNA – Isang construction worker ang namatay habang dalawa pa ang sugatan nang gumuho ang ginagawang riprap sa bayan ng Liliw sa lalawigan, noong Huwebes ng hapon.

Ayon sa report mula sa Area Police Command – Southern Luzon, dakong alas-4:30 ng hapon, nang gumuho ang inilagay na mga bato at lupa sa riprap ng dam na proyekto ng NIA sa ilog sa Purok 6, Brgy. Calumpang.

Bunsod nito, natabunan ang tatlong biktima na ikinamatay ng isa sa mga ito na kinilalang si Vijay Estanda Salisod.

Nasagip naman ng kanilang mga katrabaho ang dalawa pa na sina Joel Basco at Eduardo Dela Cueva na isinugod sa Nagcarlan District Hospital.

Isa sa mga ito ang inilipat sa Batangas Medical Center dahil sa maselang kalagayan.

(NILOU DEL CARMEN)

47

Related posts

Leave a Comment