SANGGOL INABANDONA SA SEMENTERYO

QUEZON – Isang bagong silang na sanggol na lalaki ang inabandona sa loob ng sementeryo sa bayan ng Guinayangan sa lalawigang ito.

Agad namang nasagip ng mga tauhan ng Guinayangan Municipal Police Station ang nasabing sanggol.

Ayon sa report ng Guinayangan Police, dakong alas-3:20 noong Lunes ng hapon nang madiskubre ng isang residente ang sanggol na nakalagay sa isang sako sa bisinidad ng public cemetery.

Agad itong ipinagbigay-alam sa mga awtoridad at natuklasan na buhay ang sanggol at nakakabit pa ang umbilical cord o pusod nito.

Ayon sa mga awtoridad, tinatayang isang araw o ilang oras  pa lamang naisisilang ang sanggol nang matagpuan ito.

Agad itong dinala sa Guinayangan Community Medicare para masuri ang kalagayan.

Nakipag-ugnayan na rin ang pulisya sa tanggapan ng lokal na DSWD para sa pangangalaga sa sanggol.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya at tinitingnan ang mga kuha ng CCTv sa lugar para matukoy kung sino ang nag-iwan sa sanggol at kung sino ang mga magulang nito. (NILOU DEL CARMEN)

23

Related posts

Leave a Comment