SEGURIDAD SA KAPASKUHAN SA MAYNILA, PLANTSADO NA

TINIYAK ng pamunuan ng Manila Police District, handang-handa na ang buong puwersa ng pulisya sa darating na Kapaskuhan sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay MPD District Director Police Colonel Arnold Thomas Ibay, nakaalerto na ang station commanders mula sa Station 1 hanggang sa Station 14 upang masiguro ang kaligtasan ng mamamayan.

Partikular na tinukoy ang lugar ng Binondo at Tondo sa Divisoria na daragsain ng mga mamimili para sa mga pamasko ng kani-kanilang mga anak at inaanak.

Inatasan na hinggil dito sina Police Lieutenant Colonel Wilson Villaruel, station commander ng MPD-Moriones Police Station 2, at Police Lieutenant Colonel Rexson Layug ng Meisic Police Station 11 na parehong sumasakop sa Divisoria.

Gayundin si Police Lieutenant Colonel Leandro Gutierrez, commander ng Sta. Cruz Police Station 3, sa bagong itinayong presinto sa harapan ng isang mall, para pag-ibayuhin ang anti-criminality campaign.

Umaga noong Miyerkoles, bandang alas-8:00 ng umaga, nagsimulang mag-ikot si Director Ibay sa buong Divisoria, para makita ang kaayusan ng lugar, habang naroroon sina Villaruel, Layug at ang kani-kanilang mga tauhan, kabilang sina Police Master Sergeant Gerry Tuvera, hepe ng Dagupan Police Community Precinct, Police Major Jimenez ng Asuncion PCP, sakop ng Station 2, at Major Dino Venturina, hepe ng Juan Luna PCP, sakop naman ng Station 11.

(RENE CRISOSTOMO)

90

Related posts

Leave a Comment