SEKYU TIKLO SA 2 COUNTS NG ACTS OF LASCIVIOUSNESS

NADAKIP ang isang 44-anyos na security guard sa kasong 2 counts ng acts of lasciviousness, sa bisa ng warrant of arrest sa Brgy. 649, Port Area, Manila noong Martes ng gabi.

Ayon sa ulat nina Police Captain Mel Soniega at Police Lieutenant Henry Mariano, kinilala ang suspek na si Romy Saludes, binata, ng Brgy. 586, Sampaloc, Manila.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Mateo Altajeros , acting Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC ) Branch 172, ng Valenzuela City, sa kasong two counts ng act of lasciviousness.

Gayunman, inirekomenda ng korte na maglagak ang suspek ng P80,000 halaga ng pyansa sa bawat count ng kaso para sa pansamantala niyang paglaya.

(RENE CRISOSTOMO)

37

Related posts

Leave a Comment