SELOS TINAPOS SA 15 SAKSAK, MISIS PATAY KAY MISTER

AGUSAN DEL SUR – Dead on the spot ang isang misis makaraang pagsasaksakin ng kanyang mister dahil sa selos, sa kanilang bahay sa

Barangay 4, sa bayan ng San Francisco sa lalawigan noong Lunes ng gabi.

Kinilala ng San Francisco PNP ang biktimang si Meryan Guzon, 37, habang agad namang sumuko ang mister nitong si Robert Barrera, kapwa ng nasabing lugar.

Ayon sa San Francisco MPS, lasing na umuwi ang mister dakong alas-11 ng gabi.

Nagkaroon ang dalawa ng mainitang pagtatalo dahil umano sa pagseselos ng suspek hanggang sa kumuha ito ng kutsilyo at inundayan ng 15 saksak ang ginang.

Mabilis na tumakbo ang suspek sa palayan para tumakas ngunit makalipas ang ilang oras ay sumuko ito sa mga awtoridad.

(NILOU DEL CARMEN)

 

73

Related posts

Leave a Comment