SENIOR SINAKSAK NG KAPWA DRIVER

CAVITE – Naospital ang isang 60-anyos na senior citizen nang pagsasaksakin ng gunting ng kapwa nito driver makaraang nagtalo dahil sa away-kalsada dulot ng gitgitan ng sasakyan sa Gen. Trias City, noong Sabado ng umaga.

Nilalapatan ng lunas sa Gen. Trias Medicare Hospital ang biktimang si Joseph Ramos Aviles dahil sa saksak sa katawan gamit ang gunting ng suspek na si alyas “Reynaldo”, 31, ng Brgy. Cabuco, Trece Martires City.

Ayon sa ulat ni Police Master Sergeant Cristopher Dumlao ng Gen. Trias City, dakong alas-2:00 ng hapon nang mangyari ang insidente sa sa Governor’s Dive sa Brgy. San Francisco, Gen Trias City, Cavite.

Binabagtas ng sasakyan ng dalawa ang naturang lugar nang magtalo ang mga ito nang okupahan ng suspek ang linya ng biktima matapos itong mag-counter flow kung saan halos mabangga ang sasakyan ni Aviles.

Sa kabila nito, ang suspek pa ang nagalit at pinagmumura ang biktima. Hindi pa nasiyahan, bumaba ang suspek na armado ng gunting at pinagsasaksak ang senior citizen.

Isinugod ang biktima sa ospital habang ang suspek ay naaresto ng nagrespondeng mga awtoridad.

(SIGFRED ADSUARA)

83

Related posts

Leave a Comment