AKYAT-BAHAY ARESTADO SA KAHOL NI BANTAY

CAVITE – Nabulabog ang dalawang hinihinalang akyat-bahay habang nagnanakaw sa bahay ng isang contractor, dahil sa walang tigil na pagkahol ng aso na nagresulta sa pagkakaaresto sa isa sa mga ito sa Dasmariñas City noong Sabado ng madaling araw.

Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Paeng” ng San Francisco 2, Dasmariñas City, habang pinaghahanap ang kasamahan nito na si alyas “Botchok Sumalyo.

Kinilala naman ang biktima na si alyas “Bongbong” 36, ng Brgy. Salitran 1, Dasmariñas City.

Ayon sa ulat, pinasok ng mga suspek ang bakuran ng biktima dakong ala-1:25 ng madaling araw sa pamamagitan ng pagsira ng grills sa stockroom ng bahay.

Nang nakapasok, tinangay nila ang isang paper bag na naglalaman ng depektibong grinders na nagkakahalaga ng P3,000 bawat isa o kabuuang P9,000, at isang eco bag na naglalaman ng anim na depektibong electric grillS na nagkakahalaga ng P2,000 bawat isa o kabuuang P12,000.

Subalit sa paglabas ng mga suspek ay tinahulan sila ng aso dahilan upang magising ang may-ari ng bahay na humingi ng tulong sa mga barangay tanod na sina Jerico Verceles, 32, at Orlie Montalban, 35, na nagresulta sa pagkakaaresto sa isang suspek habang nakatakbo ang kasama nito.

(NILOU DEL CARMEN)

83

Related posts

Leave a Comment