SHEAR LINE DEATH TOLL 25, MISSING 26

SUMAMPA na sa 25 ang iniulat na namatay bunsod ng pag-ulan at pagbaha sa ilang lugar sa Visayas-Mindanao na dulot ng shear line noong Christmas weekend.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council at Office of the Civil Defense, 16 sa iniulat na mga namatay ay mula sa Northern Mindanao, lima ang naitala sa Bicol Region, habang ang Eastern Visayas at Zamboanga Peninsula ay nagtala ng tig-dalawang namatay.

Dagdag pa rito, may 26 pang katao na karamihan ay mga mangingisda, ang nananatiling nawawala pagkatapos ng malawakang pagbaha bukod sa naitalang siyam na sugatan.

Labing-dalawa sa mga nawawala ay mula sa Bicol, habang 11 ang mula sa Eastern Visayas at dalawa sa Northern Mindanao, habang isa ang mula naman sa Zamboanga Peninsula.

Nagtutulong-tulong ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines, Philippine Army at Bureau of Fire Protection kasama ang local search and rescue teams, sa paghahanap sa mga naapektuhan ng flashflood sanhi ng malakas na pag-ulan sa nasabing mga lugar.

Kahapon ng umaga ay pinangunahan ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Chairperson and Department of National Defense Officer in Charge, Sr. Usec. Jose Faustino Jr., at  NDRRMC Executive Director Usec. Raymundo Ferrer, ang isinagawang aerial inspection sa mga lugar na inilubog ng tubig-baha.

“The President is closely monitoring the situation in Misamis Occidental and other affected areas and has instructed the NDRRMC to continue providing all needed assistance. The NDRRMC is working with all relevant agencies to ensure that timely and appropriate support is given to the displaced families,” pahayag ni Faustino. (JESSE KABEL RUIZ)

87

Related posts

Leave a Comment