KINUMPISKA ng Sub-Task Group on Economic Intelligence (STG EI), sa pangunguna ng Department of Agriculture-Bureau of Plant and Industry (DA-BPI), ang 46 boxes ng smuggled carrots at broccoli vegetables na ibinebenta sa Divisoria Market sa CM Recto Avenue, Divisoria, Manila noong Abril 4, 2022.
Ang task group ay binubuo ng Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), Bureau of Customs (BOC), National Intelligence Coordinating Agency (NICA), at Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) – na nagsagawa ng inspeksyon sa mahigit 300 stalls, na pawang nakalagay sa iba’t ibang box ng mga gulay, at sabay ang katanungan kung saan nagmumula ang kanilang supply.
Sa nasabing operasyon, nakumpiska ang 43 boxes ng imported carrots at 3 styro boxes ng imported broccoli.
Mula sa smuggled boxes ng carrots, siyam ang nakalagay sa kanilang original boxes na may marka na nagmula ito sa China, habang ang iba pang 34 nakabalot sa brown boxes ay walang label.
Samantala, ang smuggled boxes ng broccoli ay nakumpiska mula sa apat na stalls.
Nakilala ng team ang tatlo na nagmamay-ari ng stall na nagbebenta ng smuggled carrots at broccoli at nakunan ng copies ng kanilang IDs.
Sa pagtatanong sa vendors, napag-alaman na ang pangunahing mamimili ng imported carrots at broccoli ay pawang Chinese nationals.
Napag-alaman din na ang presyo ng imported broccoli ay P300/kg. habang ang local broccoli ay nabibili sa P150/kg.
Subalit ang Chinese buyers ay mas gusto umano ang imported vegetables. (JOEL O. AMONGO)
120