Tangkang ipuslit sa Antipolo jail P1-M DROGA NADISKUBRE SA ARI NG 2 BABAE

ANTIPOLO – Arestado ang dalawang babae makaraang madiskubre ang umano’y shabu na nakatago sa kanilang ari nang bumisita sa kanilang live-in partner na nakapiit sa BJMP Antipolo.

Ayon sa ulat ni PCol. Felipe Maraggun, provincial director ng Rizal PNP, kinilala ang magkapatid na suspek na sina alyas “Saly”, 34, at “Kath”, 39, parehong taga Brgy. San Isidro, Antipolo City.

Base sa imbestigasyon ng Antipolo Component City Police Station, dadalawin ng mga suspek ang kanilang live-in partner na nakapiit sa BJMP Antipolo na may mga kasong ilegal na droga.

Ngunit ng kapkapan ng mga tauhan ng BJMP Antipolo ay nadiskubre ang mga condom na itinago ng dalawang suspek sa kanilang ari, na naglalaman ng dalawang nakataling plastic na hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 200 gramo at nagkakahalaga ng P1,360,000.

Mabilis na ini-report ng BJMP Antipolo ang insidente sa mga pulis na agad namang inaksyunan katuwang ang Antipolo City Drug Enforcement Team (CDET) at inaresto ang dalawang suspek.

(NILOU DEL CARMEN)

56

Related posts

Leave a Comment