TARIMA NG ANGLERS DINARAYO SA VALENZUELA

PATULOY na dinudumog ang isang palaisdaang naging pamosong picnic pond na rin sa Dulong Tagalag, Valenzuela.

Ito ay ang 3 Kids Picnic Pond na pag-aari ng mag-asawang Shiela at Enrico Candido.

Dati lamang simpleng palaisdaan ang lugar hanggang maging picnic pond at maging sentro ng fishpond marketing, kung saan pwede mong bilhin ang nabingwit mong isda.

Ang angler ay Ingles ng namimingwit.

Ilan nang pangkat ang nagdaos ng kani-kanilang okasyon sa 3 Kids Picnic Pond, kabilang dito ang Pinoy Anglers Club, na nagdaos ng fun fishing tournaments.

Kabilang sa pinaglabanan sa nasabing okasyon ang palakihan ng huling bangus at tilapia.

(GUILLERMO OCTAVIO)

31

Related posts

Leave a Comment