TRUCK SWAK SA BANGIN 3 PATAY, 2 SUGATAN

BUTUAN CITY – Tatlo ang namatay kabilang ang magkapatid na babae, habang dalawa pa ang sugatan sa matapos mahulog sa bangin ang isang truck sa provincial road, sa Brgy. San Mateo sa lungsod na ito.

Dead on arrival sa ospital ang mga biktima na parehong negosyante at isang helper ng truck habang sugatan naman ang driver at isa pang helper.

Kinilala ang mga namatay na sina Alicia Pancho at Bebelyn Alampaya.

Namatay rin sa aksidente ang menor de edad na helper ng truck na si Jay Mar Pancho.

Ayon sa imbestigasyon ng Butuan City police, sakay ng truck ang mga biktima papuntang Butuan City proper para mag-deliver ng uling.

Pagdating sa palusong na sa lugar ay nawalan ng kontrol sa preno ng sasakyan hanggang sa mawalan na rin ng kontrol sa manibela ang nagmamanehong si Carlito Alampayan.

Bunsod nito, nahulog sa bangin sa gilid ng kalsada ang truck kasama ang mga biktima.

Agad dinala sa ospital ang limang sakay ng truck subalit binawian ng buhay ang magkapatid na negosyante at ang helper na si Jay Mar Pancho.

Kritikal naman ang kalagayan ng driver at isa pang helper na si Alfe Pancho. (NILOU DEL CARMEN)

146

Related posts

Leave a Comment