TULAK SWAK SA SELDA SA P176-K SHABU

NABINGWIT sa anti-criminality campaign ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District-Meisic Police Station 11, ang isang 33-anyos na umano’y tulak ng ilegal na droga sa buy-bust operation sa Barangay 286, Binondo, Manila nitong Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ang target ng operasyon na si Godofredo Tampos Jr., alyas “Greg”, binata, ng Tondo, Manila

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, station commander, bandang alas-2:41 ng madaling araw nang ikasa ng mga operatiba ng SDEU, sa tulong ng mga tauhan ni PLt. Col. Mupas ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Nakumpiska sa suspek ang 25 gramo ng umano’y shabu na tinatayang P176,800 ang halaga.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(RENE CRISOSTOMO)

31

Related posts

Leave a Comment