TUMAWID SA KALSADA PATAY SA 2 SASAKYAN

patay

CAVITE – Patay ang isang binatang magsasaka matapos na mabangga ng isang motorsiklo at nagulungan pa ng isang sasakyan habang tumatawid sa kalsada sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi.

Naisugod pa sa Ospital ng Tagaytay ang biktimang si Michael Cuyos y Sirbise, 36, ng Brgy. Malabag, Silang, Cavite ngunit binawian ng buhay.

Nilalapatan naman ng lunas sa Silang Specialist Medical Center ang driver ng motorsiklong Honda na si Dhong Bundac Buncag, 42, may asawa, ng  Baguio City, Benguet, dahil sa sugat sa katawan.

Ayon sa ulat, tumatawid ang biktima sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Brgy. Buho, Silang, Cavite dakong alas-10:10 ng gabi nang mabangga siya ng minamanehong motorsiklo ni Buncag habang binabagtas ang nasabing lugar.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang biktima ng ilang metro kung saan nagulungan pa siya ng isang ‘di naplakahang sasakyan na patungo sa direksiyon ng Tagaytay City.

Isinugod sa pagamutan ang mga sugatang sina Buncag at Cuyos ngunit idineklarang dead on arrival ang huli. (SIGFRED ADSUARA)

43

Related posts

Leave a Comment