UNANG ARAW NG PAGBABALIK NG VOTER REGISTRATION, MAAYOS

IBINIDA ng Commission on Elections (COMELEC) na naging maayos ang unang araw ng pagpapatuloy ng voters registration sa bansa.

“I just came from Valenzuela City and the registration processes there are very smooth. In fact, we already have a success story. One of our kababayan is going abroad, her flight is at 2 p.m. She was able to register in less than 10 minutes,” pahayag ni Comelec spokesperson Rex Laudiangco

Ayon pa dito, nakatutulong sa mabilis na proseso ng voters registration ang pagbabawas ng mga kopya ng application form na isusumite mula isa hanggang tatlo

Ang form na mada-download online ay nagpapagaan din sa proseso dahil maaaring punan ito ng mga tao bago pumunta sa registration site, dagdag pa ng opisyal.

Muling binuksan ng Comelec ang voters registration na tatagal hanggang Enero 31, 2023 bilang paghahanda sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Upang mas accessible ang pagpapatala, nagkaroon din ng pilot test ang Comelec para sa ‘Register Anywhere Project’ sa limang piling malls  sa Metro Manila mula Disyembre 17 hanggang Enero 22, 2023.

Kasabay nito, isasagawa rin ang pilot test sa Robinsons Mall Naga City, Robinsons Mall Tacloban, at SM City Legazpi, dugtong pa ni Laudiangco.

Ang mga karagdagang site ay makikita rin sa Senado, Kapulungan ng mga Kinatawan, at sa pangunahing tanggapan ng Government Service Insurance System.

Inaasahan ng Comelec ang minimum na dalawang milyong karagdagang botante sa muling pagpapatuloy ng voters registration para sa BSKE. (RENE CRISOSTOMO)

228

Related posts

Leave a Comment