VILLAR NAMAHAGI NG COMPOSTING FACILITY

NAGLALAAN si Sen. Cynthia Villar ng taunang pambili ng composting facilities na ipinamimigay sa buong bansa ng Bureau of Soils and Water Management (BSWM), attached agency ng Department of Agriculture.

“Aside from the huge savings, a composting facility can help reduces the volume of trash thrown in dumpsites,” ani Villar sa turn-over at launching ng paggamit ng tatlong composting facilities sa Brgy. Zapote 5, Bacoor City, Cavite, noong Sabado.

“A composting facility turns bio-degradable wastes like kitchen wastes into organic fertilizer. Each composter can produce one ton organic fertilizer per month,” ayon kay Villar.

Binigyan ng senador ang kanyang home city- ang Las Piñas- ng 89 composting facilities kung saan nabawasan ang gastos ng local government sa waste disposal at nakatipid pa ng P300 million kada taon.

Nanawagan si Villar sa publiko na samahan siya sa kanyang adhikain para sa isang malinis at malusog na kapaligiran kasabay ng pagbibigay ng hanapbuhay sa ating mga kababayan at savings sa ating bansa.

(DANNY BACOLOD)

123

Related posts

Leave a Comment