VOTER REGISTRATION SA MALLS AARANGKADA SA DISYEMBRE

TULOY-TULOY na ang implementasyon ng Commission on Elections (Comelec) sa voter’s registration sa limang piling shopping malls sa National Capital Region (NCR) sa Disyembre 17.

Ito ay makaraang aprubahan ng Comelec en banc noong Oktubre 26 ang “operational plan” ng Register Anywhere Project (RAP) ng komisyon. Subalit tutukuyin pa sa susunod na mga araw ang limang malls na pagdarausan nito.

Nakaiskedyul na isagawa ito tuwing Sabado at Linggo mula Disyembre 17 hanggang Enero 29, 2023 (maliban sa Disyembre 24, 25, 31 at Enero 1, 2023).

Sa “pilot period” ng programa, lahat ng kwalipikadong residente sa Pilipinas ay maaaring magtungo sa napiling malls para magsumite ng kanilang application form, requirements at magpa-biometrics upang makapagparehistro bilang botante.

Sa unang panuntunan, tanging mga lokal na residente kung saan naroroon ang mall, lamang ang pinapayagan na magparehistro sa RAP sites. (RENE CRISOSTOMO)

22

Related posts

Leave a Comment