WANTED SA MURDER SA SAMAR, TIKLO SA MALABON

NASAKOTE sa Malabon City ang isang lalaking kabilang sa most wanted persons ng Samar, dahil sa kasong pagpatay.

Dinamba ang suspek na si Efren L. Tomale, 44, istambay ng Barangay Catmon, Malabon City noong Oktubre 16 sa nasabing lugar.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong murder na inisyu ni Acting Presiding Judge Cicero Tuazon Lampasa, ng Regional Trial Court Branch 32,  Calbayog City, Samar noong Mayo 5, 2021.

Nasa kustodiya na ng Malabon City Police ang suspek habang hinihintay ang commitment order mula sa Korte. (ALAIN AJERO)

22

Related posts

Leave a Comment