BINAWI na ng Pilipinas ang ban sa non-essential outbound travel epektibo Oktubre 21.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na sa idinaos na 79th meeting, binawi ng IATF ang restriksyon ng non-essential outbound travel ng mga Filipino epektibo Oktubre 21, 2020.
Papayagan din ang mga ito na makaalis ng bansa “subject to the submission of confirmed roundtrip tickets” at sapat na travel at health insurance para sa mga magbibyahe ng may tourist visas, execution ng immigration declaration na kinikilala ang panganib na kaakibat ng pag-byahe at negative Antigen result na kinuha sa loob ng 24 hours bago ang departure, “subject to the Department of Health (DOH) guidelines.”
Ang mga Outbound Filipino travelers ay kailangan na sundin ang Guidelines of the National Task Force (NTF) para sa magbabalik na overseas Filipinos.
Inaprubahan din, “subject to conditions,” ang pagsasagawa beach volleyball tournament ng Philippine Super Liga sa ilalim ng “sports bubble concept,” operasyon ng off-track horse race betting stations sa ilalim ng GCQ o mas mababa at operasyon ng licensed cockpits o lisensiyadong sabungan at pagsasagawa ng cockfighting activities sa mga lugar na nasa ilalim ng MGCQ o mas mababa. (CHRISTIAN DALE)
