NAKIUSAP si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na talunin o huwag iboto ang lahat ng mga tumatakbo sa pagka-senador lalo na iyong mga nagbabalik Senado dahil walang gagawin ang mga ito kundi ang dumaldal at mag-show off.
Sa kanyang taped address, sinabi ng pangulo na malinaw naman ang intensyon ng mga kandidato na magbabalik-senado at iyon ay para magyabang lang.
Partikular na tinukoy ng pangulo si Senador Richard Gordon.
Inihalintulad pa ni Pangulong Duterte si Gordon sa German interrogator ng Nazi.
Kapag nagsalita na aniya ang senador ay nawawala na ang kanyang mga kasama sa Committee hearing.
Kapansin-pansin din kasi aniya na pilit na nagpapaka-smart si Gordon at wala naman aniyang kuwestiyon iyon dahil pareho naman silang abogado at nakapasa sa bar.
“Iisa lang naman yan. pero iba ka ‘adre. Ang advice ko sa ‘yo.. magpapayat ka muna para medyo.. nalilipong ako kapag tinignan kita,” ayon sa pangulo sabay sabing “huwag mong putulin yan huh? totoo yan. pati iyong buhok mo ngayon iba na ang inapay. Lahat kayo pati si Ping (Lacson) iba ang hairdo.”
“Si Ping naman sila ni Gordon nag-usap. Sabi ni Gordon… Duque resigning. May ganoong demand to resign. Di ba tayo lang ang mag-demand to resign si Duque. Tama naman si Gordon … Ping, anybody can demand your resignation maski na ice cream vendor.
Depende na lang kung sasagot ka o hindi. Because there will be questions in days to come na lalabas .. semento nagpunta rin dito ang mga kalaban mo, nagbigay din ng mga dokumento..so, babasahin namin yan,” ayon pa sa pangulo. (CHRISTIAN DALE)
