BARANGAY HEALTH CENTER SA CAVITE NILOOBAN

CAVITE – Arestado ang isang lalaki makaraang manloob sa isang Barangay Health Center sa Trece Martires City noong Martes ng madaling araw.

Hawak na ngayon ng Trece Martires Component City Police Station ang suspek na si alyas “Tuklas”, 26-anyos, ng Brgy. Inocencio, Trece Martires City, Cavite

Ayon sa ulat, puwersahang pumasok ang suspek sa Barangay Health Station sa Block 2, Lot 1, Phase 1-A, Southville, Brgy. Inocencio sa lungsod, at tinangay ang double burner gas stove kasama ang LPG tank nito bandang alas-2:00 ng madaling araw saka tumakas.

Ngunit may nakakita sa kanya habang papatakas kaya nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya at natunton ito na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

(SIGFRED ADSUARA)

39

Related posts

Leave a Comment