PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama sina MPTC Chairman Manny Pangilinan at Department of Public Works and Highway Secretary Manuel Bonoan ang pagbubukas ng Cavitex C5 Link Sucat Interchange.

Paiikliin nito ang biyahe mula isang oras hanggang 5 minuto para sa 23,000 na motorista mula CAVITE papuntang Sucat, Parañaque.

Nauna na ang groundbreaking ceremony ng CAVITEX-CALAX Link na magkokonekta sa Kawit, Cavite at buong CALABARZON.

Kasama rin sa seremonya ang groundbreaking ng Cavitex C5 Link Segment 3B na magkokonekta sa CAVITEX R1 Expressway Section at SLEX/C5 Road.

Kasama naman sa mga nagpakita ng kanilang suporta sa nasabing proyekto sina Senators Cynthia Villar at Mark Villar, Congressman Edwin Olivarez, Congressman Gus Tambunting, Parañaque Mayor Eric Olivarez at Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano. (Danny Bacolod)

51

Related posts

Leave a Comment