NAIS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang lahat ng agricultural lands sa bansa ay sumailalim sa geomapping para magtatag ng soil maps para sa partikular na agricultural products upang tiyakin na maitataas ang ani at mapahusay ang kita ng mga magsasaka.
Nagpalabas ng kautusan ang Pangulo sa isinagawang pakikipagpulong sa Philippine Rice Industry Stakeholders Movement (PRISM) sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Miyerkoles.
Ayon sa Pangulo, gumagamit na ang pamahalaan ng geomapping sa paglutas sa pagpapatitulo para palakasin ang agricultural production at itaas ang kita ng mga magsasaka.
Binanggit din ng PRISM ang ilang concerns sa isinagawang meeting, bagama’t base sa naging talakayan, marami sa mga hamon ay handa nang tugunan ang kasalukuyang “government interventions at programs.”
Kabilang sa mga concerns ang mataas na halaga ng rice production at limitadong market access, limitadong access sa capital investment, salungat na BIR policies, kakulangan ng extensive irrigation system at climate crisis-El Niño threat, at mabagal na adopsyon ng mga mahahalagang rice production technology.
“Unavailability and lack of access to real-time data, misaligned programs and activities across agri-related government agencies, inconsistent consultative meetings among the various rice stakeholders, and rice smuggling were also among the identified roadblocks to higher productivity,” ayon sa ulat.
“Existing government interventions addressing these concerns include the implementation of Farm and Fisheries Consolidation and Clustering program (F2C2), provision of various support services including credit and financing by the DA and the Land Bank of the Philippines, and establishment of climate-smart agriculture infrastructure,” ayon pa rin sa ulat.
Nagbabalangkas din ang administrasyon ng National Agricultural and Fisheries Modernization and Industrialization Plan at iba pang plano, na may konsultasyon sa ibang stakeholders, para gabayan ang development ng agriculture at fisheries sectors.
Pinag-aaralan din ng pamahalaan ang requirements ng panukalang pre-shipment inspection system ng Department of Finance (DOF), DA, at iba pang government agencies, at ang DA ay nagsasagawa rin ng pagrerebisa ng Rice Tariffication Law (RTL) at implementing rules and regulations (IRR) nito. (CHRISTIAN DALE)
