HIDILYN BINIGYANG PUGAY NI PBBM MATAPOS SUMUNGKIT NG GINTO SA COLOMBIA

MULI na namang nagpamalas ng natatanging galing ang kauna-unahan nating Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz sa kanyang pagkapanalo ng mga gintong medalya sa 2022 World Weightlifting Championships na isinagawa sa Bogotá, Colombia.

“Kaisa ko ang buong bansa sa pagbibigay pugay sa iyo, Hidilyn, sa patuloy mong pagsusumikap upang magsilbing inspirasyon sa maraming Pilipino, at makapag-uwi ng karangalan para sa ating bayan,” ayon sa kanyang Facebook page.

Nauna rito, pinuri naman ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Noli Eala si Hidilyn Diaz-Naranjo matapos masungkit ang tatlong gold medal at overall championship sa katatapos na World Weightlifting Championship.

Nakasaad sa official statement ng PSC at ni Eala: “Hidilyn has proven once again that the fire in her heart to be second to none in her field continues to burn and remains the benchmark by which every weightlifter and Filipino athlete must measure themselves against.”

“The PSC will forever be proud of Hidilyn as the epitome of a great champion and will always provide support in her continuing quest to bring honor to our country. Mabuhay!” dagdag ni Eala.

Sa kompetisyon, si Diaz ay nakakuha ng 93 kg sa snatch, 114 kg sa clean and jerk, para sa kabuuang 207 kg. at dinaig sina Rosalba Morales ng Colombia at Ana Gabriela Lopez ng Mexico.

Magdaragdag ang panalo sa mailap na world title sa trophy case ni Diaz na kinabibilangan ng mga gintong medalya mula sa Olympics, Asian Games, at Southeast Asian Games.

Bukod kay Diaz-Naranjo, ang iba pang Filipino weightlifters ay inaasahang maglalaban-laban para sa mga medalya sa world tilt at slots sa 2024 Paris Olympics, kasama sina Tokyo Olympian Elreen Ando, Asian champion Vanessa Sarno, Kristel Macrohon, at Dave Lloyd Pacaldo.

Inihahanda ng PSC ang lahat ng posibleng suporta kay Diaz at sa kanyang koponan sa kanilang paglahok sa kaganapang ito. (CHRISTIAN DALE)

31

Related posts

Leave a Comment