Kahit pinamumunuan pa ni PBBM DA TIKLOP SA SMUGGLERS

(BERNARD TAGUINOD)

TILA pinaglalaruan o niloloko na lamang umano ng Department of Agriculture (DA) ang publiko dahil walang napapanagot na smuggler sa mga kontrabando na kanilang nasasabat.

Ito ang suspetsa ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas dahil sa kabila ng napakaraming nahuling smuggled goods ay walang smuggler na nakasuhan ng economic sabotage.

“DA and BOC officials are making a fool of consumers who are reeling from high prices of sugar and its common by-product, bread. Napakaraming nasasabat na smuggled na asukal pero wala namang nahuhuli na mga big-time smugglers na may sala sa Anti-Agricultural Smuggling Act,” ayon sa KMP na pinamumunuan ni dating Congressman Rafael Mariano.

Kamakalawa ay nakumpiska ang smuggled sugar na nagkakahalaga ng P19 million sa Manila International Container Port bukod sa 80,000 bags ng white sugar na umaabot sa P261 million ang halaga sa Batangas Port.

Noong Oktubre, nakakumpiska ang BOC ng smuggled sugar mula sa Thailand na nagkakahalaga ng P228 million subalit walang napanagot na smugglers kaya ang duda ni Mariano ay may kasabwat ang mga ito sa DA.

“Agriculture and customs officials must face sacking for their failure to address the massive smuggling of agricultural products. Sibakin at alisin na sa pwesto ang mga tiwaling opisyal na protektor at kasabwat ng smugglers,” ayon pa kay Mariano.

Sa Kamara, umapela naman ni House deputy minority leader Rep. Bernadette Herrera sa Department of Justice (DOJ) na atasan ang National Bureau of Investigation (NBI) na mag-imbestiga at bumuo ng prosecutors panel na magsasampa ng kaso laban sa smugglers.

Ayon sa mambabatas, nakakasawa na puro raid na lamang ang ginagawa subalit walang napapanagot kaya hindi nakapagtataka na patuloy na namamayagpag ang mga smuggler.

“Build solid cases, fool-proofed against technicalities and excuses, and send the economic saboteurs to jail because they have inflicted great suffering on millions of Filipinos and have adversely impacted the economy. We have to go beyond raids on warehouses. We need paper trails, electronic trails, protected witnesses, and convictions,” ani Herrera.

Ayon sa mambabatas, hanggat walang nakakasuhan at nakukulong na smugglers ay walang silbi ang Republic Act (RA) 10845 o Anti-Smuggling Act of 2016 kung saan idineklara na economic sabotage ang agricultural smuggling.

Walang piyansa ang sinomang makakasuhan ng economic sabotage lalo na kung milyon-milyon ang halaga ng agricultural products na ilegal nilang dinala sa bansa.

32

Related posts

Leave a Comment