PBBM MAKIKIPAGPULONG SA HARI NG BELGIUM

ISUSULONG ng Pilipinas ang strategic partnership sa Belgium at lalagda sa isang joint plan of action para sa taong 2023 hanggang 2027.

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga miyembro ng Filipino community, Lunes ng gabi sa Brussels.

Sa talumpati ng Pangulo, sinabi nito na babanggitin niya ang intensyon ng Pilipinas sa royal audience kasama si King Philippe.

“Our relationships have remained strong and vibrant based on shared values, common interest, and the good reputation that Filipinos have built not only here in Europe but all over the world,” ayon kay Pangulong Marcos.

“It will also be an opportunity to convey to the King that the Philippines intends to pursue a strategic partnership with Belgium in various fields,” dagdag na wika nito.

“We look forward to signing a Philippines-Belgium joint plan of action for 2023 to 27 that could further enhance bilateral cooperation and allow our two countries to discuss regional and global issues of mutual concern,” aniya pa rin

Si Pangulong Marcos ay nasa Belgium para lumahok sa ASEAN-EU Commemorative Summit.

Pinuri naman ng Chief Executive ang mga Pilipino sa Belgium at Europa sa kanilang tungkulin para palakasin ang relasyon ng Pilipinas sa rehiyon.

“Without a doubt, our ties with Belgium continue to flourish not only because of g-to-g or government-to-government contracts but because of the strong interpersonal linkages of the Filipino community with Belgians and other expatriates whether through employment or marriage and family ties,” ayon sa Punong Ehekutibo.

“Truly, you all deserve to be recognized because your interaction with them has enriched our relations,” ani Pangulong Marcos.

Pinuri rin niya ang mga Pinoy health worker doon bilang mga “bayani” kaya unti-unting nakababangon sa COVID-19 ang mundo. (CHRISTIAN DALE)

484

Related posts

Leave a Comment