BENEPISYO NG RETIREES SA BAYANIHAN 2, TAX FREE

NAGPASALAMAT si Senadora Nancy Binay sa Bicameral Conference Committee ng “Bayanihan to Recover as One Act”, o Bayanihan 2, matapos aprubahan na isasailalim sa tax exemption ang lahat ng retirement benefits ng mga empleyado na magreretiro sa panahon ng pandemya.

Isinulong ni Binay ang isang talata sa Bayanihan 2 na bibigyan ng tax free retirement benefits ang mga empleyado na nagretiro mula sa pribadong kompanya simula noong Hunyo 5 hanggang Disyembre 31, 2020, na pinagtibay ng Senado noong Huwebes.

Nakatakda ito sa P165 bilyong fund bilang tugon at planong pagbabago sanhi ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“Sa totoo lang kawawa ‘yung mga pinag-force retire o ‘yung mga nag-avail ng optional retirement packages ng mga kompanya–wala nang trabahong babalikan, aawasin pa ang tax sa konting natira sa benefits nila,” ayon kay Binay.

Nakatakda sa Section 5 ng inaprubahang Bayanihan 2 na nagsasabing: “Retirement benefits received by officials and employees of private firms, whether individual or corporate, from June 5, 2020 until December 31, 2020 shall be excluded from gross income and shall be exempt from taxation: PROVIDED, That any re-employment of such official or employee in the same firm, within the succeeding 12-month period, shall be considered as proof of non-retirement and shall subject the benefits received to appropriate taxes. In addition to the payment of appropriate taxes, any person who willfully evades or defeats any imposable tax under this section shall be criminally liable and penalized under Sec. 255 of Republic Act No. 8424, as amended.”

Sa ilalim ng Code, binibigyan ng tax exemption ang retirement benefits kung makakamit ang ilang kondisyon hinggil sa tagal ng serbisyo at edad.

“Gusto lang natin masiguro na all bases are covered sa Bayanihan 2. We want more people to benefit from this law since the pandemic has hit everybody,” giit ni Binay.

Kuwalipikado sa tax exemptions ang isang retiree kung nakapagsilbi siya sa kompanya ng 10 taon o hindi lalampas ng 50 taon gulang kapag nagretiro.

“Anumang revenue ang mawawala sa pamahalaan dahil sa tax exemption na ito, mababawi rin naman dahil sa value-added tax ng mga binibili. Ang mahalaga, mabigyan natin sila ng dagdag na panggastos para sa kapakanan ng mga pamilya nila,” dagdag ng senador.

Sinabi ni Binay na kapag natanggal ang naturang mga kondisyon, magkakaroon ng mas maraming salapi ang retirees na magagamit sa gitna ng mga alinlangan sa pandemya.

“Malaking bagay ‘yung tax exemption sa retirees. Ang ibig sabihin nito, ang ikakaltas sana sa benefits ng mga kababayan nating magre-retire sa kasagsagan ng pandemya, magagamit nila para sa gastusin ng kanilang mga pamilya,” giit ni Binay. (ESTONG REYES)

217

Related posts

Leave a Comment