BI OFFICIAL UMINOM NG VİAGRA, TUMIGAS ANG DILA

BISTADOR ni RUDY SIM

DAHIL sa katandaan ng isang mataas na opisyal ng Bureau of Immigration at nais pa nitong mapaligaya ang kanyang batang-bata na bebot na itatago natin sa pangalang Miss Rich, ay pilit nitong pinatitigas ang kanyang pagkalalaki.

Itatago natin ang opisyal sa pangalang alias “Thunder”, hindi na umano nito itinatago ang relasyon sa bente sais anyos na bebot, at madalas na sila’y makitang sweet na nagsusubuan kada tanghali sa kanyang tanggapan sa ikalawang palapag ng BI main office.

Aba, kaya pala masipag itong si Sir sa fixing ng piyansa ng mga kliyente nitong Chinese lalo sa ang mga nakakulong sa warden facility sa Bicutan jail. Hmm… Alam kaya ng misis ni Sir Thunder na may lihim na kaanuhan ang kanyang matandang mister?

Talaga namang kung iyong makikita ang kagandahan nitong si Rich, kahit tomboy ay titigas ang daliri pero teka mga pre, ‘yung ibang mahihilig dyan sa BI, ‘wag na kayo magbalak at talagang nakakadena na itong bebot ni Sir, na talaga naman mula sa kanyang pagdalaw at pag-uwi ay nakaalalay ang mga bodyguard ni Thunder.

Tila safety na rin itong si Rich dahil bukod sa safety na ang kanyang kinabukasan ay ikinuha na rin umano ito ng magandang condo unit sa Valenzuela? Nakakailan pa kayang station itong si Sir?

Hindi na bago ito sa ahensya dahil halos lahat naman ng tanggapan dito lalo ang mga opisyales na lawyers, may buhok man o wala, ay may itinatagong kamanyakan, na minsan pa nga ay sharing sila sa mga babae, pagkatapos ng isa ay ipapasa naman sa iba.

Samantala, kumusta na kaya ang negosyo ni Sir sa pag-fix ng piyansa ng mga Chinese matapos ang nabuking na harap-harapang pagtungo nito sa kulungan para kausapin ang inmates?

Talaga naman, ang mga kupal na opisyales na ito, hindi na nakuntento sa kanilang suweldo at hatian kada agenda, may mga sideline pa talaga para kumita ng milyones.

Gaano kaya katotoo na kung kamakailan lamang ay may Chinese inmate na nagbayad ng P3 million para mapabilis ang kanyang paglaya, ay tila bargain naman di-umano ang presyo ngayon para sa 400 POGO workers na nahuli ng intelligence division sa Tambo Village, Parañaque?

Bagsak presyo na umano ngayon ang iniaalok para makalaya ang 400 inmates sa Bicutan, sa halagang P200K kada ulo? Aba’y anlaking pera n’yan sa 400 katao. Tingnan n’yo nga naman, ang mga ahente ng BI ang nagpakahirap tapos kayo naman ay peperahin n’yo lang?

Anyare, DOJ Secretary Boying Remulla, dahil ba bata mo ang nakaupo kaya tahimik ka ngayon, kumpara noong si Tan5 ang commissioner na para tumbong ng manok ang iyong bibig sa pagbatikos sa katiwalian sa ahensyang nasa ilalim ng iyong kapangyarihan. Ano ‘yan Budol??

Ang detalye, abangan!

Para sa inyong sumbong at reaksyon, maaaring i-text ako sa 09158888410.

(Ang mga ipinapahayag sa kolum na ito ay sariling opinyon ng sumulat at hindi saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

318

Related posts

Leave a Comment