PAGPUPUGAY SA ASENSO PINOY PARTY-LIST AT KAY GOV. OAMINAL

TARGET NI KA REX CAYANONG

ANG Asenso Pinoy Party-list ay matagumpay na pumuwesto sa ika-9 na ranggo sa pinakahuling Pulse Asia nationwide survey, na may inaasahang dalawang puwesto sa Kongreso.

Isang malinaw na patunay ito na nagbubunga na ang pagsusumikap ng mga miyembro ng partido nitong mga nagdaang buwan.

Gayunpaman, hindi maaaring maging kampante.

Marami pang kailangang gawin upang mapanatili at mapalawak ang tagumpay na ito, sa layuning makamit ang maximum na tatlong puwesto sa Kongreso.

Kung kaya’t patuloy ang pagkilos at determinasyon nila upang mapalapit sa layuning ito.

Sa ngayon, tuloy lang ang ating pagsusumikap para sa #AsensoOzamiz, #AsensoMisamisOccidental, at para sa buong bayan.

Samantala, isang mainit na pagbati kay Governor Henry Oaminal.

Sa loob ng wala pang isang termino ng kanyang pamumuno, ang lalawigan ng Misamis Occidental ay nagbagong anyo mula sa pagiging isa sa pinakamahihirap na probinsya sa bansa tungo sa pagkakaroon ng ikalimang pinakamataas na GDP per capita.

Ito ay bunga ng kanyang multi-sektoral na mga pagsusumikap sa pagpapaunlad—mula sa pagtiyak ng kapayapaan at kaayusan ng probinsya, pagbibigay ng pangunahing serbisyong panlipunan at pangkalusugan sa mga Misamisnon, hanggang sa pamumuhunan sa edukasyon, agrikultura, imprastruktura, at turismo upang mapaunlad ang lokal na industriya at ekonomiya.

Isang kumpirmasyon ito ng sinasabi ng mga Misamisnon na sa ilalim ng kanyang pamumuno, tunay ngang #AsensoNa ang probinsya.

Ang Misamisnon ay namumuhay nang “Malinawon, Malamboon, at Malipayon.”

Binabati naming ang buong Team Asenso Misamis Occidental at lahat ng Misamisnon sa tagumpay na ito.

Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!

102

Related posts

Leave a Comment