Bong Go, Alvarez sinopla WOD ANG PINONDOHAN NG KAMARA HINDI EJK — SOLON

WAR on drugs (WOD) ang pinondohan ng Kongreso, hindi ang extra-judicial killings (EJKs).

Sagot ito ng co-chairman ng Quad Committee na si Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., kina Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez at Senador Christopher “Bong” Go na dismayado sa imbestigasyon ng Kongreso sa war on drugs.

“While Congress supported former President Rodrigo Roa Duterte’s war on drugs by passing the annual General Appropriations Act (GAA) to finance the anti-drug campaign, no funds were specifically allocated for the murder of innocent, poor Filipinos,” ani Abante.

Una rito, kapwa sinabi ni Go na noong panahon ng war on drugs ay pinapalakpakan ng Kongreso si dating Pangulong Rodrigo Duterte na indikasyon na suportado niya ang kampanya laban sa ilegal na droga.

Sinabi naman ni Alvarez na siyang Speaker ng Kamara mula 2026 hanggang 2028, na malaki rin ang kasalanan ng Kongreso na nagbigay ng pondo sa war on drugs kaya may kasalanan din ang mga mambabatas sa maramihang pagpatay.

Gayunpaman, sinabi ni Abante na hindi kasama sa pinondohan ang pagpatay sa mga inosenteng mamamayan kapalit ng reward money na ibinibigay sa mga pulis na makakapatay ng suspek na sangkot diumano sa ilegal na droga.

“The objective of this campaign was to end the threat posed by illegal drugs, not to cut short the lives of innocent men, women, and children,” sagot ni Abante, chair ng House committee on human rights, kina Go at Alvarez.

Isa aniya sa nakikitang dahilan kung bakit marami ang napatay sa war on drugs ay dahil nagkukumpetensya ang mga pulis sa pagpatay dahil sa reward money na kanilang matatanggap na hindi nila umano ginawa ng nakaraang administrasyon.

Maliban dito, tanging ang maliliit ang pinuntirya aniya ng administrasyon sa kanilang war on drugs at inabswelto ang malalaking drug lords tulad ni Michael Yang na ginawa pa aniyang economic adviser ng dating pangulo. (BERNARD TAGUINOD)

165

Related posts

Leave a Comment