DIGOS City – Arestado ang isang miyembro ng Citizen Geographical Unit (CAFGU), sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) sa kasong paggagahasa noong Mayo.
Ayon sa Digos City Police Station (DCPS), dinakip ang suspek habang nasa Brgy. Cabligan, sa bayan ng Matanao, Davao del Sur, alas-11:20 ng umaga noong Lunes, Agosto 17.
Kinilala ni DCPS director, Lieutenant Col. Vici Anthony Tababa, ang suspek na si Carlos Subsuban III, 46, residente sa Brgy. Ruparan nitong lungsod.
Sinabi ni Tababa, nasa top 6 most wanted sa lungsod ang suspek kaya nakipagtulungan sila sa mga tauhan ng Regional Intelligence Unit (RIU), CIDG-Davao del Sur, 39th Infantry Battalion (IB) Delta Company at Matanao Municipal Police Station sa paghahain ng warrant of arrest mula sa sala ni RTC Executive Judge Carmelita Sarno-Davin. (DONDON DINOY)
141
