CALABARZON 5,521 PA ANG ACTIVE COVID CASES

PUMALO na sa 64,106 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa buong rehiyon ng CALABARZON o Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

Mayroong 328 bagong kaso, 56,821 ang nakarekober at 1,764 ang namatay sa virus.

Ayon kay Department of Health 4-A, OIC Regional Director Paula Paz Sydiongco “We only have 5,521 active cases and are currently undergoing treatment in various health facilities in the provinces”.

Ang lalawigan ng Laguna ang may pinakamaraming kaso sa bilang na 17,242; sumunod ang Cavite, 17,160; Rizal, 13,286; Batangas, 10,905, at Quezon, 5,513.

Dagdag nito, “We are still currently facing the threat of COVID-19 and we need every one’s cooperation in preventing its spread in the community. Sa ngayon, nagkakaroon na ng kapabayaan sa pagpapatupad ng safety protocols dahil marami nang mga tao sa lansangan at lumalabas ng kanilang bahay na walang suot na mask at nakikihalubilo kung kani-kanino sa daan”.

Paalala naman ni Sydiongco, “Let us not take the recent easing of restrictions to go out and travel everywhere we please. This is the time that we need to be wary. It is still best to stay at home and be safe, especially if do not have any important matter to attend to outside of your residence”.

Patuloy pa rin ang pagsasagawa ng mass testing ng DOH-CALABARZON at Local Government Units sa iba’t ibang lalawigan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 virus. (CYRILL QUILO)

116

Related posts

Leave a Comment