CAMANAVA ACTIVE COVID CASES, HALOS 1K NA

DALAWA ang patay sa lungsod ng Navotas dahil sa COVID 19 nitong Pebrero 26 at sumirit sa 319 ang active cases, samantalang umalagwa naman sa 347 ang active cases sa Malabon at 287 naman sa Valenzuela para sa kabuuang 953 aktibong kaso sa tatlong lungsod.

Nabatid na ang 98 nagpositibo sa isang araw, ang pinakamarami para sa taong ito sa Navotas, samantalang 16 lamang ang gumaling.

Kabilang sa mga nagpositibo ang mga kawani ng city hall, kanilang close contacts, at mga nagpapa-test para makapag-apply o makapasok sa trabaho.

Umabot na sa 6, 054 ang kumpirmadong kaso ng COVID sa Navotas kung saan 5,543 na ang gumaling at 192 ang namatay.

Ayon naman Malabon City Health Department, 111 ang nadagdag na confirmed cases sa nasabing araw at sa kabuuan ay 6,856 na ang positive cases sa siyudad, 347 dito ang active cases.

Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangay Acacia (6), Baritan (5), Bayan-bayanan (1), Hulong Duhat (6), Ibaba (2), Maysilo (3), Muzon (3), Niugan (12), Panghulo (4), Potrero (11), San Agustin (6), Tanong (27), Tinajeros (15), Tonsuya (5) at Tugatog (5).

Sa kabilang banda, 37 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sila ay mula sa Barangays Baritan (2), Bayan-bayanan (1), Catmon (3), Maysilo (1), Muzon (2), Potrero (5), San Agustin (2), Santulan (12), Tanong (4), Tinajeros (1), Tonsuya (1), at Tugatog (3).

Umabot na sa 6,257 ang recovered patients ng Malabon habang nananatiling 252 ang COVID death toll.

Sa pinakahuling ulat ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ng Valenzuela noong Pebrero 25, naitala sa 287 ang active cases sa lungsod matapos na 119 ang magpositibo sa swab test.

Samantala, Nobyembre pa ng 2020 humintong maglabas ng update sa kanilang active COVID cases ang Caloocan City. (ALAIN AJERO)

 

143

Related posts

Leave a Comment