LANAO DEL SUR – Binaril sa ulo ng isang estudyante ang kanyang guro nang ibagsak siya nito sa isang subject, sa loob ng campus ng Balabagan Trade School sa Barangay Narra, sa bayan ng Balabagan Ayon sa ulat ng pulisya, binaril sa ulo si Danilo Barba, 34-anyos, ng kanyang estudyante na si alyas “Juan”, 20-anyos na Grade 11 student, dahil lamang sa hindi nito pagpasa sa isang subject. Ayon sa Balabagan Municipal Police Station, inako ng suspek ang pagpaslang sa kanyang guro bunsod ng matinding galit sa ibinigay na failing…
Read MoreCategory: BALITA
2 BARKO NG CHINA NA HUMABOL SA PCG NAGBANGGAAN
SA halip na magalit dahil sa tangkang pagbomba ng water cannon at ginawang peligrosong pagmamaniobra ng isang China Coast Guard at People’s Liberation Army Navy, nag-alok pa ng tulong ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa mga Tsinong marino nang magsalpukan ang kanilang mga barko sa paghabol sa barko ng Pilipinas na nagsasagawa ng “Kadiwa Para sa Bagong Bayaning Mangingisda (KBBM)” operation malapit sa Bajo de Masinloc. Sa inisyal na ulat na ibinahagi ng Philippine Coast Guard, nagbanggaan ang barko ng Chinese Navy at China Coast Guard bunsod ng…
Read MoreP.5-M MARIJUANA NASABAT SA TULAK
CAVITE – Arestado ng mga awtoridad ang isang lalaking nasa listahan ng high value individuals (HVIs), sa isinagawang buy-bust operation sa Bacoor City noong Linggo ng gabi. Kinilala ang suspek na si alyas “Kuya”, nasa hustong gulang, ng Brgy. Habay 1, Bacoor City. Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang Regional Police Drug Enforcement Unit sa pamumuno ni PLt. Col. Wilfredo Jimenez Jr., kasama ang Bacoor Component City Police Station, sa Tirona Highway, Brgy. Habay 1, Bacoor City, bandang alas-12:50 ng gabi. Nang nag-abutan na ng ilegal na droga…
Read MoreP612.5-M CONFI FUNDS MULING UURIRATIN SA BUDGET HEARING
MULING tatanungin si Vice President Sara Duterte sa kanyang confidential funds na mahigit anim na raang milyong piso sa budget hearing ng Office of the Vice President (OVP) na isa sa mga dahilan kung bakit ipina-impeach ito ng Kamara. Bukas, Miyerkoles ay inaasahang isusumite na ng Malacanang sa pamamagitan ng Department of Budget and Management (DBM) sa Kamara ang 2026 National Budget na nagkakahalaga ng P6.793 Trilyon. “To the Vice President, eager na eager na po tayo na marinig ang sagot niyo at ipakita ang inyong ebidensya,” ani House deputy…
Read MoreALTERNATIBONG SISTEMA SA TOLL PAYMENT BILISAN – LCSP
HINIMOK ng Lawyers for Commuters and Protection (LCSP) ang Department of Transportation (DOTr) at ang Toll Regulatory Board (TRB) na maglunsad ng mas maraming toll payment options kasabay ng umiiral na RFID system. Nabatid na sa unang bahagi ng buwang ito, nagtakda si DOTr Secretary Vince Dizon ng timeline para sa Metro Pacific Tollways at San Miguel Corporation para maresolba ang RFID operational concerns sa unang kalahati ng 2026. Binigyang-diin din niya na ang buong interoperability—kung saan gumagana ang isang sticker ng RFID sa lahat ng tollway—ay nangangailangan ng pagresolba…
Read MoreKung walang mananagot – solon AKSYON NI MARCOS SA FLOOD CONTROL SCAM WA EPEK
(BERNARD TAGUINOD) TILA bitin ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa inisyal na report ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa flood control projects na nakopo umano ng 15 malalaking construction companies. “Initial, preliminary. Wala masyadong detalye tayong nakita,” ani House deputy minority leader at ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio. Pinangalanan ni Marcos ang 5 construction companies na may FC projects sa halos lahat ng rehiyon sa bansa na kinabibilangan ng Legacy Construction Corporation, Alpha & Omega General Contractor and Development Corporation, St. Timothy Corporation, EGB Construction…
Read MoreMINORITY SENATORS TIWALANG SUSUNOD SENADO SA FINAL RULING NG SC
BUMISITA si Representative Dibu Tuan ng Third District ng South Cotabato sa Senado upang mag-courtesy call sa mga senador ng 20th Congress upang magkaroon ng magandang ugnayan sa kanila. Nasa larawan ang pakikipaghuntahan niya kina Senator Imee Marcos at Senator Rodante Marcoleta sa plenaryo. (DANNY BACOLOD) TIWALA ang minority senators na kung sakaling mabaligtad ang desisyon ng Korte Suprema sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte ay susunod ang Senado. Kasabay nito, tiniyak ni Senador Panfilo Lacson na kapag nangyari ito ay pangungunahan niya ang mosyon upang i-pull…
Read MoreISKOlar NG BAYAN PROGRAM BUBUHAYIN SA MAYNILA
BUBUHAYIN ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso ang “ISKOlar ng Bayan Program” para sa mga kuwalipikadong estudyante ng Maynila. Ang plano ng alkalde na ibalik ang programa na dati niyang inilunsad noong siya ay konsehal pa lamang hanggang maging bise alkalde ng Maynila ay matapos bumisita sa kanyang tanggapan ang Informatics Philippines. Nag-alok ang kumpanya ng 50% diskwento sa matrikula para sa mga kuwalipikadong estudyante ng Maynila. Ang ISKOlar ng Bayan ay bukas para sa mga undergraduate at diploma programs kasama ang mga kawani ng Manila City Hall. Ayon sa alkalde,…
Read More8 TIMBOG SA DRUG DEN SA ROXAS CITY
ROXAS CITY – Walong drug personalities ang nahaharap sa habambuhay na pagkakakulong matapos madakip sa sinalakay na drug den na giniba ng mga operatiba ng PDEA Capiz Provincial Office at PNP RIU-PIT Capiz sa Sitio Cassandra, Barangay Punta Tabuc sa lungsod nitong nakalipas na linggo. Isa sa mga suspek na kinilalang si alyas “Reynaldo,” na umano’y tagapamahala ng drug den, ang nananatiling pinaghahanap. Narekober sa buy-bust operation ang ilang sachet ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia. Kakasuhan sila ng paglabag sa Sections 5, 6, 7, 11, at 12 ng…
Read More