REP. ZALDY CO ‘PINAKAKANTA’ SA AMENDMENTS SA 2025 BUDGET

HINAMON ng isang kongresista ang liderato ni House Speaker Martin Romualdez na obligahin si Congressman Zaldy Co na isapubliko ang amendments na ginawa ng kanyang grupo sa 2025 national budget. “Otherwise we just covering up each other. If the leadership of the House will not demand it from Congressman Zaldy Co, that means we’re just trying to cover-up,” ayon Navotas Rep. Toby Tiangco na nagsabing wala siyang planong tantanan ang “small committee” na pinaghihinalaan nitong nagsingit ng pondo sa 2025 national budget na itinuturing ng ilan na ‘most corrupt budget”.…

Read More

TAUMBAYAN TINALIKURAN NG SENADO – SOLON

“NAKAKAHIYA”. Ganito inilarawan ni Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña ang naging desisyon ng Senado na itapon sa archive ang Impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte dahil mistulang tinalikuran umano ng mga senador ang taumbayan. Noong Miyerkules ng gabi, 19 senador ang bumoto na i-archive ang impeachment case ni Duterte matapos itong ideklara ng Korte Suprema na unconstitutional dahil nilabag umano ng mga kongresista ang one-year bar rule. Apat lamang sa 24 Senador ang pumabor sa mosyon ni Senate Minority Leader Vicente “Tito” Sotto III na i-table ang kaso…

Read More

GSIS GIGISAHIN SA ‘PAGSUGAL’ SA PERA NG MIYEMBRO

HINDI pwedeng palagpasin ang pamumuhunan ng Government Service Insurance System (GSIS) gamit ang pera ng government employees kaya itinutulak ngayon sa Kamara na imbestigahan ito. Matapos mabuko na nag-invest ang GSIS ng P1.45 billion sa gambling-related company ay agad na nagpatawag ng imbestigasyon si House deputy minority leader at ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio. “Napakasakit isipin na ang retirement funds ng ating mga guro at government employees ay ginagamit para sa sugal. This is not just poor investment judgment—this is a moral outrage,” ani Tinio. Sinabi ng mambabatas na…

Read More

Sa paghahambing ng ECs sa Meralco NEA BINIRA NG CONSUMERS

BINATIKOS ng grupong Laban Konsyumer Inc. (LKI) ang National Electrification Administration (NEA) dahil sa umano’y hindi makatarungang paghahambing nito sa mga singil ng mga electric cooperative (ECs) at ng Meralco, lalo na sa gitna ng tinawag nilang hindi maayos na serbisyo mula sa ilang kooperatiba. Ayon sa LKI, bago pa man ihambing ng NEA ang mga EC sa Meralco, kailangang tiyakin muna kung patas ba ang naturang paghahambing pagdating sa kalidad ng serbisyo. Sa isang pahayag, sinabi ng LKI na ang pagkukumpara ng Meralco sa ECs ay hindi patas sa…

Read More

TRABAHADOR NA-SUFFOCATE SA NILILINIS NA BALON

QUEZON – Nasawi ang isang trabahador matapos na ito ay ma-suffocate sa loob ng kanilang nililinis na balon o deep well sa Sitio Pagatpat, Barangay Del Pilar sa bayan ng Quezon, sa lalawigan nitong Miyerkoles ng umaga. Batay sa salaysay ng isang saksi na kasamahan ng biktima, nangyari ang insidente dakong alas-9:00 ng umaga habang nililinis nila ang isang balon sa lugar. Nakita umano ng saksi ang biktimang si “Justin”, 31-anyos, na nagpupumilit na makaahon mula sa halos 7 metrong lalim ng balon gamit ang lubid. Ngunit bigla na lang…

Read More

HELPER NABAGSAKAN NG CRANE HOOK, PATAY

LAGUNA – Patay ang isang helper nang mabagsakan ito ng hook na nahulog mula sa kinakabitan nitong crane sa San Pedro City sa lalawigan. Nangyari ang insidente sa isang compound malapit sa national highway sa Barangay Nueva dakong alas-4:00 ng umaga noong Miyerkoles. Kinilala ng San Pedro City Police ang biktima sa pangalang “Billy Boy”, tubong Catanduanes. Batay sa ulat ng pulisya, nangyari ang trahedya habang inaayos ng biktima ang lifting belt ng crane. Ngunit biglang nahulog ang hook matapos maputol ang cable wire na nakakabit dito, at tumama ito…

Read More

MINI DUMP TRUCK SHOOT SA BANGIN: 8 PATAY

SULTAN KUDARAT – Walo katao ang patay habang 15 ang sugatan makaraang mawalan ng preno ang isang mini dump truck noong Miyerkoles ng hapon sa nasabing lalawigan. Ayon sa Police Regional Office 12, dakong alas-5:20 ng hapon nang mangyari ang insidente habang sakay ang mga biktima sa mini dump truck patungong Cotabato City. Habang tinatahak ng nasabing sasakyan ang Barangay Christianevo sa Bayan ng Lebak ay nagkaaberya ang preno sa pababang kurbada ng kalsada dahilan upang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver. Bunsod nito, bumangga ang kanilang sasakyan sa…

Read More

DILG NAGBABALA SA PEKENG AYUDA

NAGBABALA ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa publiko hinggil sa pekeng ayuda modus na ipinakakalat sa pamamagitan ng social media at text messages na nagsasabing maaaring makatanggap ng P5,000 hanggang P8,000 na ayuda ang mga residente sa pamamagitan ng pag-fill out ng barangay form at pagtawag o pag-text sa isang unverified mobile numbers. Babala ng DILG, ang ipinakakalat na impormasyon ay mali at misleading. Tahasang inihayag ng kagawaran na walang ganoong direktiba na inilabas ang DILG. Ang mobile numbers na nakatala sa mga ipinapaskil ay hindi…

Read More

725 PAMILYA HOMELESS SA SUNOG SA TONDO

UMABOT sa 725 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraan ang mahigit pitong oras na sunog na sumiklab sa Building 13 hanggang sa kumalat sa mga barong-barong sa Aroma Compound, Happy Land, Mel Lopez Boulevard, Barangay 105, Tondo, Manila noong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog bandang alas-9:50 ng umaga at dakong alas-12:53 ng hapon nang ideklarang fire under control. Mabilis namang nagresponde ang mga bumbero upang maapula ang apoy, at ang mga tauhan ng Manila Police District, partikular ang mga tauhan ng Raxabago Police Station 1, upang…

Read More