BALIGOD, ’18 MALETA SOLDIERS’, IBA PA KINASUHAN SA DOJ

DUMULOG sa Department of Justice (DOJ) si dating Senador Antonio Trillanes IV upang magsampa ng mga kasong kriminal laban sa ilang personalidad kaugnay ng umano’y gawa-gawang International Criminal Court (ICC) bribery scheme. Kabilang sa mga kinasuhan sina Atty. Levito Baligod, dating Cong. Mike Defensor, broadcaster Jay Sonza, dating NTF-ELCAC spokesperson Lorraine Badoy, vlogger Cathy Binag, at labingwalong indibidwal na tinukoy na “ex-marines.” Ayon kay Trillanes, bahagi umano ito ng planong idawit siya sa isang pekeng bribery scandal na kinasasangkutan ng mga imbestigador ng ICC. Kabilang sa mga kasong isinampa laban…

Read More

Stroke survivor, lumalaban ngayon: MISS GLENDA SINAGOT MGA PARATANG LABAN SA KANYA

NOONG nakaraang taon, nakikipaglaban ang skincare at beauty mogul na si Glenda Dela Cruz, na mas kilala bilang “Miss Glenda,” para sa kanyang buhay sa Intensive Care Unit (ICU), nakakabit sa mga makinang tumutulong sa kanya para mabuhay matapos ma-stroke at magkaroon ng pneumonia. “Last year po nasa ICU ako, nag-aagaw buhay. Iyong mga anak ko umiiyak po sa akin. And I almost gave up. Nasabi ko ayoko na po, ayaw ko na po talaga,” wika ni Miss Glenda sa panayam ni Ogie Diaz. “Nagsimula siya sa pneumonia. So yung…

Read More

PROTEKSYON SA RED-TAGGING HILING NG NUPL SA SC

KINALAMPAG ng ilang mga abogado mula sa National Union of People’s Lawyer (NUPL) kasama ang grupo ng mga magsasaka, ang Korte Suprema para sa inihaing ng petition for writ of amparo at habeas data. Ito’y bilang proteksyon sa mga lider ng organisasyon at human rights lawyer na nakabase sa Negros Occidental. Giit ng grupong Tanggol Magsasaka, suportado nila ang ginawang hakbang ng NUPL para sa kapakanan ng mga lider na nagtatanggol sa mga ordinaryong manggagawa. Paliwanag nila, hindi makatwiran na isailalim sa red tagging ang mga lider ng manggagawa gayundin…

Read More

HIGIT 200 NAGMARTSA SA GUMACA PARA KALAMPAGIN DPWH SA MAHARLIKA HIGHWAY AT BYPASS ROAD REHAB

NAGMARTSA ang nasa 200 mamamayan sa bayan ng Gumaca noong Miyerkoles, para kalampagin ang Department of Public Works and Highways – Quezon 4th District Engineering Office kaugnay sa lumalalang kondisyon ng Maharlika Highway at Gumaca Bypass Road. Pinangunahan ng Gumaca Concerned Citizens Movement ang mapayapang rally na nagsimula sa katedral at nagtapos sa tanggapan ng DPWH sa Brgy. Panikihan, dala ang mga plakard na nananawagan ng ligtas at maayos na lansangan. Ayon sa grupo, dumarami ang nangyayaring aksidente at nahihirapan ang mga sasakyan na magmaniobra lalo na sa bypass road…

Read More

P25-M SMUGGLED FOOTWEAR, NAKUMPISKA SA PAMPANGA

PAMPANGA – Umabot sa P25 milyong halaga ng hinihinalang smuggled footwear ang nakumpiska sa isang bodega sa Barangay Calantipe, sa bayan ng Apalit sa lalawigan nitong Huwebes. Sinalakay ng mga awtoridad ang bodega sa bisa ng Letter of Authority mula sa Bureau of Customs. katuwang ang Pampanga Police Provincial Office at iba pang police units. Ayon sa Police Regional Office 3, bago ang inspeksyon, nakipag-ugnayan muna ang mga operatiba sa mga opisyal ng barangay. Kumatok muna ang mga awtoridad sa nasabing bodega, subalit hindi ito binuksan dahilan upang ito’y binuksan…

Read More

GENDER EQUALITY BINIGYANG-DIIN NG PRO-4A SA WOMEN’S MONTH KICKOFF

PORMAL na inilunsad ng Philippine National Police Regional Office 4A ang pagdiriwang ng National Women’s Month sa Camp Vicente Lim sa ilalim ng temang “We for Gender Equality and Inclusive Society.” Sa kickoff ceremony, binigyang-diin ang mahalagang papel ng kababaihan sa hanay ng kapulisan at sa lipunan, lalo na ang ambag ng mga babaeng pulis sa pagpapatupad ng batas at serbisyong publiko sa buong CALABARZON. Sa kanyang talumpati bilang panauhing pandangal, iginiit ni Laguna Governor Sol Aragones na ang tagumpay ng kababaihan ay nakasalalay sa pagtutulungan ng babae at lalaki.…

Read More

2 PATAY, 4 SUGATAN SA PAMAMARIL SA PARAÑAQUE

PATAY ang dalawang indibidwal habang apat ang sugatan sa nangyaring pamamaril sa basketball court sa isang condominium compound sa Brgy. Marcelo Green sa Parañaque City noong Miyerkoles ng gabi. Batay sa ulat ng Southern Police District, habang naglalaro ng basketball ang mga biktima dakong alas-8:00 ng gabi ay bigla na lamang nakarinig ng malakas na kalabog Kasunod nito ay biglang pumasok ang suspek sa main gate ng basketball court at agad na pinaputukan ang grupo ng mga naglalaro. Kumaripas naman ng takbo sa iba’t ibang direksyon ang mga nanonood sa…

Read More

MAHIGIT P29.712-M SHABU, ECSTASY NASABAT NG BOC

MATAGUMPAY na nasabat ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), ang tatlong inabandonang inbound parcels na naglalaman ng hinihinalang ilegal na droga na tinatayang nagkakahalaga ng P29.712 milyon sa isinagawang interdiction operation noong Marso 2, 2026. Isinagawa ang operasyon sa mahigpit na koordinasyon ng NAIA–Inter-Agency Drug Interdiction Task Group/Airport Intelligence Unit 2 (NAIA-IADITG/AIU 2), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office NCR, Philippine National Police Aviation Security Group at Drug Enforcement Group, Airport Police Department, National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Immigration (BI), at BOC–Customs Anti-Illegal…

Read More

P26-M SHABU INABANDONA SA NAIA

TINATAYANG aabot sa P26 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam ng mga tauhan ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) matapos na madiskubre ang isang abandonadong parcel sa Pair Pags Center, NAIA Complex, Pasay City. Sa inisyal na report ng IADITG, nadiskubre ang abandonadong parcel na naglalaman ng ilegal na droga bandang alas-2:00 ng hapon noong Miyerkoles. Ang NAIA-IADITG ay binubuo ng mga ahensya na pinangunahan ng PDEA RO-NCR; Bureau of Customs – Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (BOC-CAIDTF); PNP Aviation Security Group (AVSEG); Airport Police Department (APD);…

Read More