3 MENOR DE EDAD, 2 PA HULI SA DINEKWAT NA P.3-M COPPER CABLE WIRE

CAVITE – Nadakip ang dalawang menor de edad at dalawang kasapakat nila sa aktong ikinakarga sa kanilang sasakyan ang tinangay na underground copper wires sa Imus City noong Linggo ng madaling araw. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10515 (Anti-Cable Television and Cable Internet Tapping Act of 2013) ang naarestong mga suspek na sina alyas “Onyok”, “Kinito” at “Ron”, pawang mga menor de edad, at alyas “Jerry”, 36, at “Ana”, 21-anyos. Ayon sa ulat, nagsasagawa ng pagpapatrulya ang mga roving guard ng PLDT band dakong alas-3:21 ng madaling araw sa…

Read More

70 PULIS SA BASILAN SIBAK SA HAZING

SINIBAK sa kanilang pwesto ang nasa 70 pulis na mga miyembro ng Regional Force Battalion 14B sa Lamitan, Basilan. Ito’y kasunod na diumanoy hazing sa reception rites sa mga bagong pulis na nag-viral sa social media ang larawan at video. Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuano, sibak sa pwesto ang 70 mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion-14B kasama na ang 12 mga pulis na direktang sangkot sa pangmamaltrato sa mga bagong pulis na kaka-graduate lang sa basic internal security training. Ang nasibak na mga pulis ng RMFB-14A ay…

Read More

MALACAÑANG REREPASUHIN ULAT NG ICI SA FLOOD SCANDAL

REREPASUHIN ng Malacañang ang 125-day accomplishment report ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) kaugnay ng iniimbestigahang flood control scandal. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, isinumite na ang ulat sa Office of the Executive Secretary (OES) at kasalukuyan pa itong pinag-aaralan. Nauna nang inihain ng ICI ang report sa Office of the President noong Biyernes, kung saan inilatag ang mga nagawa ng komisyon mula nang simulan ang operasyon nito noong Setyembre 2025. Sa inilabas na pahayag, sinabi ng komisyon na mula Setyembre 15,…

Read More

P5-B LUGI NG GOBYERNO SA PALPAK NA PUV MODERNIZATION

TINULIGSA ng grupong Kilos Komyuter at Konsyumer ang PUV Modernization Program ng pamahalaan at sinabing umabot umano sa P5 bilyon ang nalugi rito mula nang ipatupad walong taon na ang nakalilipas. Sa press conference sa Quezon City, sinabi ng tagapagsalita ng grupo na si Isagani Bogabel na tinatayang 20 porsyento lamang ng target ang natupad ng programa dahil sa matinding pagtutol ng ilang transport group. Ayon kay Bogabel, isa sa mga pangunahing problema ang mataas na halaga ng modernized jeep na umaabot umano sa P2.5 milyon kada unit, na aniya’y…

Read More

Kasama sa rekomendasyon ng Senate BRC KASO VS ROMUALDEZ SA FLOOD CONTROL MESS

NILINAW ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Panfilo Lacson na hindi nila inabswelto sa kanilang partial report kaugnay sa flood control mess si dating House Speaker Martin Romualdez. Sinabi ni Lacson na hindi totoo ang impormasyon na wala sa rekomendasyon nila si Romualdez. Ipinaliwanag ni Lacson na kasama ang kongresista sa 2nd category at si Senador Francis Chiz Escudero na pwedeng kasuhan. Ito anya ay dahil ikinonsidera nila sa report ang salaysay ni Orly Guteza na nagsabing naghatid ng male-maletang pera sa bahay ng dating Speaker. Bukod sa alegasyon ni…

Read More

SM City Santa Rosa Goes All Out for Chinese New Year 2026 with “Galloping into Prosperity” Art Exhibit

Santa Rosa, Laguna — SM City Santa Rosa welcomed the Lunar New Year in an all-out celebration with the launch of “Galloping into Prosperity,” showcasing 400 artworks by Chan Lim Family of Artists and students—marking the 53rd Painting Exhibit in SM Supermalls. The grand opening filled the mall with festive energy, highlighted by a lively Lion and Dragon Dance, ceremonial balloon popping for the opening and a high-energy CNY Dance Craze performance—setting the tone for a year of abundance, luck, and new beginnings. Grand and culturally rich, the exhibit takes…

Read More

GOITIA: PILIPINAS WALANG ISUSUKONG TERITORYO

IGINIIT ni Dr. Jose Antonio Goitia na hindi dapat umatras ang Pilipinas sa usapin ng soberanya at karapatang pandagat ng bansa, lalo na sa harap ng patuloy na tensyon sa West Philippine Sea. Ayon kay Goitia, hindi maaaring palampasin ang mga pag-atake laban sa legal na posisyon ng Pilipinas at sa mga institusyong tulad ng Philippine Coast Guard (PCG) at Armed Forces of the Philippines (AFP). “Ang mga pag-atake sa legal na posisyon ng Pilipinas, lalo na laban sa PCG at AFP, ay hindi maaaring palampasin. Kapag pinahihina ang mga…

Read More

SARAH DISCAYA KINASUHAN NG TAX EVASION

SINAMPAHAN na ng Department of Justice (DOJ) ng apat na bilang ng kasong tax evasion ang kontraktor na si Sarah Discaya sa Court of Tax Appeals kaugnay ng umano’y hindi pagbabayad ng tamang buwis. Ayon kay DOJ spokesperson Atty. Polo Martinez, isinampa ang mga kaso noong Pebrero 3, 2026 matapos umanong makitaan ng prima facie evidence with certainty of conviction si Discaya sa paglabag sa Sections 254 at 255 ng National Internal Revenue Code of 1997. Batay sa imbestigasyon, pinaniniwalaang itinago umano ni Discaya ang tunay na kita sa kanyang…

Read More

FLOOD CONTROL CASES VS CO, VILLANUEVA ‘FOR RESO’ NA – DOJ

ISINUMITE na para sa resolusyon ng Department of Justice (DOJ) ang mga reklamong isinampa laban kina Senador Joel Villanueva at dating Ako Bicol Party-list representative Zaldy Co kaugnay ng umano’y maanomalyang flood control projects sa Bulacan. Ayon kay DOJ spokesperson Atty. Polo Martinez, nahaharap si Villanueva sa tatlong magkakahiwalay na reklamong malversation of public funds na walang piyansa. Sinabi ni Martinez na nakapaghain na ang senador ng kanyang counter-affidavit upang pabulaanan ang mga alegasyon na una na niyang tinawag na katawa-tawa. Nilinaw naman ni DOJ Prosecutor General Richard Anthony Fadullon…

Read More