NANLOOB SA EGGS AND CHICKEN SUPPLIER NABARIL

CAVITE – Naka-hospital arrest ang isang hinihinalang akyat-bahay nang barilin ng isang negosyante makaraang tangkain nitong pagnakawan ang isang establisyementong nagsu-supply ng mga itlog at manok sa Bacoor City noong Linggo. Nilalapatan ng lunas sa Southern Tagalog District Hospital ang suspek na si alyas “Ryna”, 30, binata, ng Talaba 1, Bacoor City, Cavite dahil sa tama ng kalibre .40 Glock 27 Gen 5, mula sa complainant na si alyas “Roberto”, 54, negosyante ng Brgy. Habay 1, Bacoor City, Cavite. Ayon sa ulat, pinasok ng suspek ang DK PRO DUCK na…

Read More

CPP-NPA CHIEF SA NEGROS, 3 PA NAPATAY NG MILITAR

NEGROS OCCIDENTAL – Tuluyan na umanong napilay ang nalalabing puwersa ng Communist Party of the Philippines at armadong galamay nito na New Peoples Army sa lalawigan ng Negros, nang mapatay ng militar ang umano’y pinakamataas na pinuno ng teroristang grupo at tatlo pang rebelde sa nangyaring engkwentro sa bayan ng Binalbagan sa lalawigan. Kinilala ni Brig. Gen. Ted Dumosmog, commander ng 303rd Infantry Brigade, ang napaslang na rebel leader na si Reynaldo Erecre alias “Amik,” sekretaryo ng Komiteng Rehiyon–Negros ng CPP-NPA. “That’s a major blow to the rebel movement,” ani…

Read More

2 DRIVERS SA VIRAL BUGBUGAN SA KALSADA IPINATAWAG NG LTO

NAG-ISYU ang Land Transportation Office (LTO) ng Show Cause Orders laban sa dalawang may-ari ng sasakyan at kanilang mga driver na sangkot sa insidente ng road rage sa Cainta, Rizal. Sinimulan ang imbestigasyon matapos kumalat sa social media ang isang video na nagpapakita ng pagsusuntukan ng dalawang driver sa gitna ng kalsada na nagdulot ng abala sa trapiko. Batay sa LTO, makikita sa video na may dalang baseball bat ang isang driver at nagpakita ng agresibong pag-uugali na nauwi sa suntukan. Natuklasan din na expired ang rehistro ng isa sa…

Read More

Impeachment vs PBBM “sufficient in form” PALASYO NABABAHALA SA EPEKTO SA EKONOMIYA

IGINAGALANG ng Malakanyang ang pasya ng Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos ideklarang sufficient in form ang dalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ito ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro kasunod ng pag-usad ng pagdinig ng House committee on Justice. “So, that’s the process. We have to respect that,” ani Castro sa press briefing sa Malakanyang. Tungkol naman sa kumpiyansa ng Palasyo na hindi lulusot ang mga reklamo bilang sufficient in substance, iginiit ni Castro na matagal nang malinaw…

Read More

BONOAN, AARALIN MUNA REKLAMONG PLUNDER LABAN SA KANYA

PAG-AARALAN muna ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan ang reklamong plunder na inihain laban sa kanya kaugnay ng umano’y anomalya sa ilang flood control projects. “I have to study it very well. Kasi medyo mabigat nga kung plunder ‘yung… Kaya we have to study it very well,” pahayag ni Bonoan sa Department of Justice (DOJ). Si Bonoan, kasama ang abogado ni Senador Jinggoy Estrada, ay dumalo sa unang araw ng preliminary investigation na isinagawa ng DOJ kaugnay ng kaso. Gayunman, hindi pa sila nagsumite…

Read More

PBBM: KONTRATISTANG MAAYOS ANG TRABAHO BAYARAN AGAD

IPINAG-UTOS ni Pangulong Marcos ang agarang pagbabayad sa mga kontratistang maayos at tama ang pagtupad sa kanilang mga kontrata. Ayon kay Castro, buo ang paninindigan ng Pangulo na kailangang paandarin ang ekonomiya kasabay ng pagpapanagot sa mga abusado sa pondo ng bayan. Sa pulong ng Pangulo at ng economic team, hinikayat ang Gabinete na mag-move forward at tiyaking mabilis at de-kalidad ang pagpapatupad ng mga infrastructure projects. Dagdag pa ni Castro, mahalaga ang maayos na ugnayan ng national at local governments upang masubaybayan ang progreso ng mga proyekto. Bilang bahagi…

Read More

Hindi makikipagplastikan para sa Senate leadership CAYETANO: LAHAT NANGANGAMPANYA PARA SA MAYORYA

HINDI na makikipagplastikan si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa usapin ng Senate leadership, iginiit na malinaw ang kanilang posisyon—gusto nilang maging mayorya, pero kulang pa sa bilang para makuha ang liderato ng Senado. Ayon kay Cayetano, hindi na bago ang isyung ito at nananatiling haka-haka lamang ang lahat hangga’t walang 13 boto na kailangan upang palitan ang kasalukuyang pamunuan. “We’re in the minority. So of course, we want to be in the majority. That was never a secret,” ani Cayetano. Aminado rin ang senador na sa ngayon, parang…

Read More

DEATH TOLL SA MV KERSTIN 3 UMAKYAT SA 40; SEARCH OPS TULOY

UMAKYAT na sa 40 ang kumpirmadong nasawi sa paglubog ng M/V Trisha Kerstin 3 matapos marekober ang tatlo pang bangkay nitong Linggo ng umaga sa karagatang sakop ng Basilan. Ayon kay Hadji Muhtamad Mayor Arsina Kahing-Nanoh, namataan ng Bantay Dagat ang mga bangkay na palutang-lutang sa bahagi ng Baluk-Baluk Island. Patuloy ang search, rescue and retrieval operations ng mga awtoridad katuwang ang local volunteers sa pag-asang may marekober pang biktima mula sa lumubog na RO-RO. Nauna nang kumalat online ang listahan ng 49 missing passengers, kabilang umano ang isang hukom.…

Read More

Kaso ng Lipa apparition tinuldukan CA IBINASURA PERJURY CASE VS CABADING

IBINASURA ng Court of Appeals (CA) ang kasong perjury laban kay Dominican exorcist Winston Cabading kaugnay ng kontrobersiya sa mga diumano’y pagpapakita ng Birheng Maria sa Lipa, Batangas. Sa 37-pahinang desisyon na inilabas noong Enero 26, pinaboran ng appellate court ang petisyon ni Cabading para sa certiorari, dahilan upang pawalang-bisa ang kasong perjury at maglabas ng permanent injunction laban sa pagpapatupad ng mga naunang kautusan ng Quezon City RTC Branch 96 na naghatol sa kanya ng guilty. Nag-ugat ang kaso sa isang Facebook livestream noong Mayo 2022 kung saan tinalakay…

Read More