QUEZON – Patay ang 51-taong gulang na lalaki matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang nakahiga sa duyan sa gilid ng kalsada sa Barangay Callejon, sa bayan ng San Antonio sa lalawigan noong Lunes ng tanghali, Enero 26, Sa isinagawang imbestigasyon ng San Antonio Municipal Police Station, bandang alas-11:20 ng umaga, ang biktimang kinilala sa pangalang “Mar” ay nakahiga sa duyan nang barilin ito ng isang lalaki at pagkaraan ay mabilis na tumakas. Isinugod ang biktima sa pagamutan ngunit hindi umabot nang buhay. Inaalam pa ng mga awtoridad ang…
Read MoreCategory: BALITA
YATE NASUNOG SA KARAGATAN NG TINGLOY, BATANGAS; 7 CREW LIGTAS
NASUNOG ang isang motor yacht habang nasa karagatan ng Tingloy, Batangas nitong Enero 27, dahilan upang agad rumesponde ang Philippine Coast Guard District Southern Tagalog (CGDSTL). Ala-7:00 ng umaga nang makatanggap ng ulat ang CGDSTL mula sa Coast Guard Sea Marshal Unit–Southern Tagalog na sakay ng isang dumadaang passenger vessel, matapos mamataan ang makapal na usok at apoy mula sa Motor Yacht (M/Y) Allusive. Kaagad na ipinatupad ng CGDSTL ang mga emergency response procedures para tugunan ang insidente. Batay sa paunang impormasyon, ang M/Y Allusive, kasama ang convoy vessel nitong…
Read MoreAWOL NA PULIS, 2 PA HULI SA PAGDUKOT SA NEGOSYANTE
ARESTADO ang tatlong suspek kabilang ang isang AWOL na pulis, habang nailigtas naman ang negosyante na kanilang dinukot. Ayon sa ulat ng Police Regional Office 3 na nakarating sa Camp Crame, noong Lunes ng hapon ay tinutukan ng tatlong suspek ang isang negosyante at dinukot sa Cabanatuan City, Nueva Ecija. Pagsapit sa kanyang bodega sa Barangay Kapitan Pepe ay tinangay ng mga ito ang pick-up truck. Dito na umano humingi ang mga suspek ng P5 milyong ransom kapalit ng kalayaan ng biktima. Habang papatakas ang mga suspek patungo sa direksyon…
Read MorePAGPROSESO NG BAGONG BUSINESS PERMIT SA MAYNILA, TUMAAS NG 40%
TUMAAS ng 40% ang pagproseso ng bagong business permits sa Maynila, kasabay ng malakas na renewal activity na indikasyon ng matatag na kalagayan ng negosyo sa lungsod. Iniulat ito ni Bureau of Permits Director Levi Facundo kay Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso. Hanggang Enero 25, 2026, nakaproseso ang lungsod ng 384 bagong business permits, mas mataas kumpara sa 176 noong kaparehong panahon noong nakaraang taon. Sa bilang na ito, 159 permits na ang bayad—kapantay na ng naitalang bayad noong nakaraang taon kahit mas marami ang aplikante ngayon. Samantala, umabot sa…
Read MoreMAS MATAPANG NA TUGON SA CHINESE EMBASSY, IGINIIT SA KAMARA
NANAWAGAN ang mga miyembro ng minority bloc sa Mababang Kapulungan ng mas matapang at mas malakas na tugon mula sa pamahalaan laban sa umano’y pang-iinsulto ng Chinese Embassy sa mga opisyal at institusyong nagtatanggol sa soberanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS). Ito’y matapos ihain ang House Resolution No. 680 na humihimok sa executive department, partikular sa Department of Foreign Affairs (DFA), na kumilos nang mas mariin. “Nakita natin na naglabas na ng statements ang DFA, pero naniniwala tayo na dapat mas malakas at mas matapang pa ang tugon…
Read More4-STAR RANK NI PNP ACTING CHIEF NARTATEZ, NAKADEPENDE SA SCHEDULE NI PBBM
NAKADEPENDE sa schedule ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paggawad ng 4-star rank kay PNP Acting Chief PLt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. Ito ay kasunod ng optional retirement ni dating PNP Chief at ngayo’y MMDA General Manager Nicolas Torre III. Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuaño, iskedyul ng Pangulo ang hinihintay para sa paggagawad ng ranggo, na gaganapin umano sa Malacañang. Kapag naigawad ang 4-star rank, ganap nang magiging PNP Chief si Nartatez na nakatakdang magretiro sa Marso 19, 2027. (TOTO NABAJA) 190
Read MorePH NAVY AT US NAVY NAGSAGAWA NG BILATERAL PATROL SA WPS
MATAGUMPAY at mapayapang natapos ang 11th Bilateral Maritime Cooperative Activity (MCA) sa pagitan ng Philippine Navy at United States Navy sa West Philippine Sea mula Enero 25 hanggang 26, 2026. Gayunman, hindi umano pinalampas ng People’s Liberation Army Navy (PLAN) ng China ang naturang aktibidad at binuntutan ang joint naval drill ng Pilipinas at Estados Unidos, ayon kay Navy spokesman for WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad. “Yes, as reported, we had a bilateral MCA with the US Navy participated by one Philippine Navy ship, seven aircraft, and a Coast…
Read MorePBBM INIUTOS ROLLOUT NG BENTENG BIGAS SA AKLAN
INIUTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapalawak ng programang Benteng Bigas, Meron Na sa lalawigan ng Aklan upang mas maraming Pilipino ang magkaroon ng access sa abot-kayang bigas. Inanunsyo ito ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa isang press briefing sa Malakanyang. Ayon sa Department of Agriculture (DA), inaasahang makikinabang ang humigit-kumulang 85,000 katao mula sa mga vulnerable sector, kabilang ang low-income families, senior citizens, persons with disabilities, at mga minimum wage earners. Bukod sa subsidized rice program, naglaan din ang DA…
Read More10 PA MISSING SA LUMUBOG NA MV TRISHA KERSTIN 3
SAMPUNG tao pa ang nawawala at patuloy na hinahanap ng Philippine Coast Guard kasunod ng paglubog ng MV Trisha Kerstin 3 nitong Lunes ng madaling araw sa may Baluk-baluk Island sa Basilan, ayon sa Philippine Coast Guard. Kabilang sa nalalabing missing, ayon sa Coast Guard, ang kapitan ng barko, pitong tripulante nito at isang PCG Sea Marshal. Sa huling ulat na ibinahagi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at ng operating arms nitong Office of Civil Defense, for validation as of 26 January 2026, a total of…
Read More