PAG-AARALAN ng Senado ang posibilidad na suspendihin ang sweldo ni Senador Ronald Bato dela Rosa dahil sa patuloy na pag-absent. Sinabi ni Senate President Pro Tempore Panfilo ‘Ping’ Lacson na pinag-usapan nila ito sa pulong nina Senate President Vicente Tito Sotto III kasama si dating Senador Antonio Trillanes IV. Sa pulong, natalakay anya ang plano ni Trillanes na maghain ng ethics complaint laban kay dela Rosa sa pagsapit ng ika-anim na buwan ng pag-absent ng senador. Binigyang-diin ni Lacson na mayroon silang binubuong solusyon o resolusyon sa sitwasyon ni dela…
Read MoreCategory: BALITA
MEDICAL BULLETIN KAY PBBM TINABLA NG MALACAÑANG
NILINAW ng Malacañang na hindi na kailangan pang maglabas ng medical bulletin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para patunayang wala itong seryosong karamdaman. Binigyang-diin ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ang diverticulitis ng Pangulo ay hindi “life-threatening,” kaya walang basehan ang panawagan para sa medical bulletin. “Sa ating pagkakaalam po, kapag naglalabas ng medical bulletin, dapat serious illness. Kung sinabi ng Pangulo na hindi ito life-threatening, bakit kakailanganin ang medical bulletin?” ani Castro sa press briefing sa Malacañang. Hinimok ni Castro ang…
Read More911 UNIFIED EMERGENCY HOTLINE, PINAGANA NA SA 6 LUNGSOD AT 24 BAYAN NG LAGUNA
SABAY-SABAY na inilunsad ang 911 Unified Emergency Hotline sa buong lalawigan ng Laguna noong Lunes, saklaw ang anim na lungsod at dalawampu’t apat na munisipalidad. Isa sa pangunahing launching sites ang Santa Cruz Public Market sa bayan ng Santa Cruz. Pinangunahan ang aktibidad ni PCol. Jonar R. Yupio, Acting Provincial Director ng Laguna PPO, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan, sa pamumuno ni Gobernador Sol C. Aragones. Ang 911 Unified Emergency Hotline ay programang pinalakas ng DILG na nagsisilbing isang libre at 24-oras na emergency number para sa police, fire, at medical…
Read MoreSABUNGAN SA LAGUNA IPINASARA, BOKAL UMALMA
IPINAG-UTOS ng Laguna Franchise Task Force ang pagsasara ng umano’y ilegal na operasyon ng O.A.A. Cockpit Arena sa Barangay Ibabang Taykin, Liliw, Laguna, dahil sa paglabag sa Franchise Code ng lalawigan. Nilagdaan ni Task Force Chairman Atty. Nathalie Irene Velazquez ang cease and desist order laban sa sabungan. Ayon sa kautusan, maaari itong pagmultahin, i-padlock, at sampahan ng kasong kriminal o sibil kung hindi susunod. Umalma si Board Member Lorenzo Zuñiga Jr., na nagsabing walang kapangyarihan ang task force at ang provincial administrator na magpasara ng sabungan batay sa umiiral…
Read MoreEmergency insurance coverage para sa riders, pasahero pinalawak ng Grab, MOVE IT
PINALAWAK pa ng Grab Philippines at MOVE IT ang kanilang emergency insurance support sa pakikipagtulungan ng COCOLIFE, upang mas palakasin ang hospital assistance at financial protection para sa mga rider-partner at pasahero na gumagamit ng kanilang on-demand mobility services. Sa ilalim ng partnership, nabigyan ng 24/7 access ang mga rider at pasahero sa mahigit 700 COCOLIFE-accredited hospitals sa buong bansa para sa mga emergency situation na may kinalaman sa Grab at MOVE IT rides. Saklaw nito ang agarang tulong-medikal at pagpapaospital habang aktibo ang biyahe sa platform. Ang pinalawig na…
Read MoreGOBYERNO NALAMPASAN 2025 JOB TARGETS
NALAMPASAN ng pamahalaan ang employment at poverty-reduction targets para sa 2025, kasabay ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palalimin ang reporma sa paggamit ng public funds, partikular sa flood control at climate resilience projects. Ayon kay PCO Undersecretary Claire Castro, tinalakay ito sa 7th Economic and Development Council (EDC) meeting na pinangunahan ng Pangulo sa Malacañang. Bumaba ang unemployment rate sa 4.7% noong 2025 mula sa mas mataas na antas noong 2020, senyales ng mas matatag na labor market. “Ibig sabihin nito ay dumarami na ang mga…
Read MoreDRAMA NG MGA DUTERTE SA ICC TAPOS NA – SOLON
“TAPOS na ang drama. Tuloy na ang kaso at paggulong ng hustisya”. Ito ang may halong pagbubunying pahayag ni Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima matapos magdesisyon ang International Criminal Court (ICC) na nasa maayos na kondisyon si dating pangulong Rodrigo Duterte para lumahok sa paunang paglilitis. Base sa mga report, itinakda na ng ICC ang pre-trial proceeding laban kay Duterte dahil sa kasong crimes against humanity sa Pebrero 23, matapos ang mahigit siyam na buwan na pagkabalam dahil sa drama umano ng kanyang kampo. Ayon sa dating…
Read MoreMAS MALALIM NA REGIONAL COLLABORATION SA TURISMO ISINULONG
ISINUSULONG ng Pilipinas ang mas malalim na regional collaboration sa turismo sa 63rd ASEAN National Tourism Organizations (NTOs) Meeting na ginanap sa Cebu City noong Enero 26. Binibigyang-diin ng pulong ang pangangailangan ng mga bansang ASEAN na magkaisa bilang isang rehiyon sa halip na magtunggali bilang magkakahiwalay na destinasyon, bilang paghahanda para sa ASEAN Tourism Forum (ATF) 2026. Pinangunahan ni DOT Undersecretary Verna Buensuceso ang pulong, na dinaluhan ng mga opisyal ng turismo mula sa Timog-Silangang Asya, dialogue partners, at iba pang organisasyon. Binigyang-diin ni Buensuceso na ang kinabukasan ng…
Read MoreFILIPINO MERCENARY NA NAPATAY SA UKRAINE BINEBERIPIKA NG DFA, AFP
KINUKUMPIRMA pa ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ulat na isang Pilipino ang umano’y nasawi sa digmaan sa Ukraine habang nakikipaglaban sa panig ng Russian forces. Batay sa ulat ng Ukraine Military Intelligence (HUR), ang napatay ay kinilalang si John Patrick, na umano’y nasawi sa labanan sa Kramatorsk District, Donetsk Region. Ayon sa HUR, kabilang umano siya sa 9th Battalion, 283rd Regiment, 144th Motorized Rifle Division ng 20th Combined Arms Army ng Russia. Sinabi ng DFA na patuloy pa nilang inaalam ang lahat ng detalye at beripikasyon kaugnay sa…
Read More