MAY TUBIG NA NGAYONG PASKO — Nagbayad ng P15 milyon si Marikina City Mayor Maan Teodoro kasama si District 1 Rep. Marcy Teodoro bilang bahagi ng utang ng Barangay Tumana sa Manila Water, na nagpanumbalik ng suplay ng tubig sa barangay bago ang Pasko. Kasama nila sa Manila Water Office sa Tumana noong Disyembre 20, 2025 ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod. (DANNY QUERUBIN) SA pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Pasko na walang suplay ng tubig ang mga residente ng Barangay Tumana. Personal na…
Read MoreCategory: BALITA
Tangkang panunuhol tablado P143-M SMUGGLED YOSI NASAMSAM NG PNP
NASAMSAM sa isa na namang matagumpay na operasyon ng Philippine National Police (PNP) ang tinatayang P143 milyong halaga ng hinihinalang smuggled na sigarilyo—patunay ng matatag na paninindigan ng kapulisan laban sa ilegal na kalakalan at katiwalian. Isinagawa ang operasyon sa ilalim ng pamumuno ni Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr., na patuloy na nagbibigay-diin sa disiplina, malinaw na command responsibility, at integridad sa hanay ng PNP. Madaling-araw ng Disyembre 17, habang nagsasagawa ng routine anti-carnapping at traffic enforcement ang mga operatiba ng HPG RHPU-3, HPG-NCR, HPG-4A at…
Read MoreBFP PUNO RIN NG KORAPSYON; MGA SCALAWAG OFFICIAL SISIBAKIN SA ENERO – REMULLA
TINUKOY ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na may umiiral na korapsyon sa loob ng kanyang ahensiya, partikular sa Bureau of Fire Protection (BFP). Ayon kay Remulla, nadiskubre ang iba’t ibang katiwalian sa hanay ng BFP, kabilang ang umano’y paggamit ng ilang opisyal at personnel ng kanilang badge sa iligal na mga aktibidad. Sinabi ng kalihim na kabilang sa mga natukoy na modus ang paniningil ng malaking halaga sa mga aplikante kapalit ng pagpasok sa BFP, kung saan ginagamit umano ng mga tiwaling indibidwal…
Read MoreDILG NANINIWALANG WALANG FOUL PLAY SA PAGKAMATAY NI USEC CABRAL; AUTOPSY, DNA TEST INIREKOMENDA NG DOJ
NANIWALA si Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na walang “foul play” sa pagkamatay ng dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary na si Maria Catalina “Cathy” Cabral, batay sa paunang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP). Gayunman, inamin ni Remulla na nakitaan ng “lapses” o pagkukulang ang mga pulis sa pagpreserba ng mga ebidensya, partikular sa cellphone ni Cabral na agad umanong na-turn over sa pamilya. Upang matiyak ang pagkakakilanlan at sanhi ng pagkamatay, sinabi ni Remulla na isasailalim sa autopsy at DNA test ang bangkay…
Read MoreDOJ TULOY ANG CIVIL FORFEITURE KAY USEC CABRAL; CIDG PASOK SA DEATH PROBE
ITUTULOY pa rin ng Department of Justice (DOJ) ang paghahain ng civil forfeiture cases laban sa mga ari-arian ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Maria Catalina Cabral, sa kabila ng kanyang pagkamatay matapos mahulog sa bangin sa Benguet. Ayon kay Prosecutor General Richard Anthony Fadullon, bagama’t napapawalang-bisa na ang anumang posibleng criminal liability ni Cabral dahil sa kanyang pagpanaw, maaari pa ring habulin ang kanyang civil liability. Ibig sabihin, maaari pa ring bawiin ng gobyerno ang mga ari-arian ni Cabral kung mapatutunayang nagmula ang mga ito…
Read MoreLEVISTE INAKUSAHAN NG PANGHA-HARASS KAY DPWH USEC CABRAL
INAKUSAHAN si Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste ng pangha-harass sa noo’y Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary na si Catalina Cabral sa isang insidenteng sinasabing naganap sa loob ng kanyang opisina, ayon sa isang post na kumakalat sa social media. Sa isang Reddit post na ibinahagi sa forum na r/DPWHEngineersPH, sinabi ng user na si u/Unlucky-Love5132 na pumasok si Leviste sa opisina ni Cabral noong gabi bago ang isang congressional hearing at sapilitang inagaw ang mga dokumento mula sa kanyang mga kamay. Muling lumutang ang naturang post…
Read More₱15M Pondo sa Krisis sa Tubig ng Brgy. Tumana, Ipinamadali ni Mayor Teodoro
PINAGTIBAY bilang urgent ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng isang panukalang ordinansa na maglalaan ng pondo upang matugunan ang krisis sa tubig sa Barangay Tumana, matapos putulin ng Manila Water ang suplay ng tubig sa lugar. Sa isang pormal na liham na ipinadala sa mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, iginiit ni Teodoro ang agarang pangangailangan na maipasa ang ordinansang naglalayong maglaan ng ₱15,000,000 upang bahagyang mabayaran ang obligasyon ng Barangay Tumana sa Manila Water. Ayon sa ulat, umano’y nabigo si Barangay Captain Akiko Centeno na maipasa sa…
Read MoreGOMA, BINIRA SA PANANAKIT SA SENIOR CITIZEN NA SPORTS OFFICIAL
BINANATAN ni Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo Ordanes ang pananakit ni Leyte Representative Richard “Goma” Gomez sa isang nakatatandang opisyal ng sports official sa SEA Games sa Thailand. Para kay Ordanes, hindi tama ang ginawa ni Gomez kay Philippine Fencing Association (PFA) President Rene Gamuca. Base sa mga ulat, sinaktan at minura umano ni Gomez si Gamuca dahil hindi nagustuhan ang pagpapalit ng atleta na sasabak sa fencing competition. Nabatid na kababayan ni Gomez sa Ormoc City si Alexa Larrazabal at nakatikim din diumano ang atleta ng pambu-bully sa mga…
Read MorePara magpaliwanag sa maanomalyang flood control projects BELGICA: STELLA QUIMBO DAPAT HUMARAP SA IMBESTIGASYON
IGINIIT ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica na dapat humarap at magpaliwanag si dating Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo sa mga imbestigasyon ukol sa maanomalyang flood control projects. Ipinunto ni Belgica na mahalaga ang boses ni Quimbo sa imbestigasyon dahil miyembro siya ng bicameral conference committee at nagsilbing vice chairperson ng House Committee on Appropriations sa deliberasyon ng 2025 national budget. Tumayo rin siya bilang committee chairperson kasunod ng pagbibitiw ni Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co. Bahagi rin si Quimbo ng tinatawag na small committee,…
Read More