TINIYAK ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan na ang bicameral conference committee–approved na P6.793-trilyong pambansang badyet para sa 2026 ay may matitibay at naipatutupad na pananggalang laban sa katiwalian, patronage spending at mga “ghost project.” Ayon kay Pangilinan, tuluyan nang sinara ang mga patagong “alok-able” na usapan na nagbubunga ng overpricing at pekeng proyekto. “Sa kauna-unahang pagkakataon, livestreamed ang buong proseso—mula subcommittee at committee hearings, approvals ng House at Senado, hanggang bicam,” ani Pangilinan. Nagpasalamat din ang senador sa mga civil society groups, kabilang ang People’s Budget Coalition, sa aktibong pakikilahok…
Read MoreCategory: BALITA
Sa pagpanaw ni Cabral BONOAN ‘KALADKARIN’ NA PABALIK NG PINAS
SA pagpanaw ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Maria Catalina Cabral, na sinasabing “napakaraming alam” sa anomalya sa flood control projects, nanawagan si ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio na pabalikin at imbestigahan si dating DPWH Secretary Manny Bonoan. Ayon kay Tinio, kung may mas nakaaalam pa sa umano’y katiwalian kaysa kina Cabral at dating Usec. Bernardo, ito ay walang iba kundi ang kanilang dating hepe. “But if there’s anyone who knows even more than her and Usec. Bernardo combined, it’s none other than their boss,…
Read MoreDAVAO GHOST FLOOD PROJECT, KURYENTE?
NATAPOS nang maayos at nalapatan pa ng kaukulang repair matapos daanan ng malalakas na bagyo ang P96.5-milyong flood control project sa Culaman, Jose Abad Santos, Davao Occidental na una nang tinawag na “ghost project.” Ito ang lumalabas sa mga dokumento, video footage at mga larawang nakalap ng pahayagang ito mula mismo sa inspection report ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Sa nasabing inspection report, kabilang ang drone footage, malinaw na makikita na ang concrete revetment project ay aktuwal na umiiral sa lugar, taliwas sa alegasyong hindi ito ginawa.…
Read MoreAFP @ 90: MATATAG NA SANDIGAN NG BAGONG PILIPINAS
NAGKAROON ng pagkakataon ang mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na personal na mapasalamatan ang kanilang Commander-in-Chief na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nang magsilbi itong panauhing pandangal sa ika-90 anibersaryo ng AFP sa Camp Emilio Aguinaldo, Quezon City. Sa programa, pinasalamatan ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang Pangulo sa patuloy na paggabay at pamumuno nito sa sandatahang lakas. “Sir, thank you, sir, for your continued guidance and leadership,” ani Brawner. Sinamantala rin ng heneral ang okasyon upang ipahayag ang pasasalamat sa…
Read MoreLIBRENG TOLL SA PANGILINAN-LED LUZON TOLLWAYS
PINAIGTING ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), konsesyonaryo ng NLEX, SCTEX, katuwang ang BCDA, NLEX Connector, Manila-Cavite Expressway (CAVITEX), at ang PRA-PEATC, at Cavite-Laguna Expressway (CALAX), ang mga paghahanda nito para sa kaligtasan sa trapiko at kalsada tuwing kapaskuhan sa buong network ng Luzon expressway upang matiyak ang maayos at ligtas na paglalakbay para sa mga motorista ngayong panahon ng peak travel period ng Pasko at Bagong Taon. Sa pamamagitan ng maagang paghahanda, pagpapadala ng buong tauhan, at mga inisyatibo tulad ng counterflow, mga operasyon ng harang, libreng serbisyo sa…
Read MoreDRIVER NAKAIDLIP, JEEPNEY SUMALPOK SA POSTE
CAVITE – Pinapanagot sa driver ng isang pampasaherong jeepney ang pagkakasugat ng ilan nitong pasahero at pagkasira ng dalawang sasakyan na nakaparada sa lugar nang bumangga ito sa poste ng ilaw at sa nabanggit na mga sasakyan sa Gen. Trias City noong Sabado ng umaga. Nilalapatan ng lunas sa City of General Trias Doctors and Medical Center ang ‘di pa pinangalanang mga pasahero, dahil sa mga sugat sa kanilang katawan. Kinilala naman ang driver ng pampasaherong jeepney na si alyas “Juan”, 43, ng Brgy. San Antonio, Cavite City. Ayon sa…
Read MoreU.S. MAGLALAAN NG $2.5-B SECURITY ASSISTANCE PARA SA PILIPINAS
PINAGTIBAY ng mga mambabatas sa United States ang batas na maglalaan ng $2.5 bilyon na security assistance sa Pilipinas. Ang Philippines Enhanced Resilience Act (PERA Act), na inihain nina Senators Bill Hagerty at Tim Kaine, ay inaantabayanan na malagdaan ni Pangulong Donald Trump. Sakaling tuluyan itong maging batas at mapagtibay, magbibigay ito ng hanggang $500 milyon kada taon mula 2026 hanggang 2030, bilang Foreign Military Financing (FMF) grant assistance, na aabot sa kabuuang $2.5 bilyon sa loob ng limang taon. Pakay ng nasabing batas na mapalakas at modernisahin ang kakayahan…
Read MoreANTIPOLO REP. ROMEO ACOP PUMANAW SA EDAD NA 78
PUMANAW kahapon si Antipolo City 2nd District Rep. at dating police general Romeo Acop sa edad na 78. “Sadly, he has really passed on. Our hearts are broken. He was a friend for more than 25 years and a devoted, courageous, honest public servant,” pahayag ni Deputy Speaker at Antipolo City Rep. Ronaldo “Ronnie” Puno. Batay sa mga ulat, natagpuan umanong walang malay si Acop sa sahig ng kanyang silid sa loob ng kanyang bahay bandang alas-10:12 ng gabi ng Disyembre 20. Ang mambabatas ay nadiskubre ng kanyang duty nurse,…
Read MoreMatapos ang water cannon attack sa Escoda Shoal ERWIN TULFO IGINIIT MANDATORY WPS EDUCATION SA MGA PAARALAN
INIHAIN ni Senador Erwin Tulfo ang Senate Bill No. 1625, na kilala bilang “West Philippine Sea (WPS) Education Act,” na naglalayong isama sa kurikulum ng basic at higher education ang mga aralin at materyales hinggil sa West Philippine Sea. Sa ilalim ng panukala, inaatasan ang Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) na gawing opisyal na bahagi ng kanilang mga kurikulum ang isang komprehensibong WPS Education and Awareness Program. Ayon kay Tulfo, mahalagang mabigyan ng sapat at tamang kaalaman ang mga Pilipino upang mapalakas ang kanilang kakayahang…
Read More