NABAWI ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang Honda sedan na iniulat na ninakaw matapos itong matunton sa Roxas Boulevard, Malate, Maynila, madaling araw ng Setyembre 28, 2026.
Ayon sa QCPD, kinuha umano ng driver ng may-ari na nakilalang “Rod” ang sasakyan nang walang pahintulot bandang alas-10 ng gabi noong Setyembre 24 mula sa parking area ng MPlace Tower B sa Mother Ignacia, Quezon City.
Matapos ang beripikasyon at pagtunton ng District Anti-Carnapping Unit (DACU), natagpuan ang sasakyan na nakaparada sa Malate. Dinala ito sa tanggapan ng DACU para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.
Sinabi ni Acting District Director Police Brigadier General Christopher Olazo na patuloy na paiigtingin ng QCPD ang mga operasyon laban sa carnapping upang mabilis na matugunan ang mga katulad na insidente.
(PAOLO SANTOS)
63 