2 KILLER NG MASAHISTA SA HOTEL, ARESTADO NA

ARESTADO na ang dalawang suspek sa pagpatay sa isang babaeng masahista sa isang hotel sa Sta. Mesa, Manila noong Oktubre. Ayon sa Manila Police District (MPD), Oktubre 22 ng hapon nang mag-check-in sa hotel ang dalawang suspek at ang biktima. Dalawang kuwarto ang inupahan ng lalaki para sa babaeng suspek at biktima na kanilang inarkila. Kinabukasan, Oktubre 23, napansin ng hotel staff ang mga suspek na nagmamadaling umalis at pagkaraan ay nadiskubreng nakagapos at nakadapa ang masahistang biktima at wala nang buhay. Sa isinagawang imbestigasyon, nalaman na sinakal ng kumot…

Read More

DOLE: NASALANTA NG BAGYONG TINO, TUTUGUNAN

BILANG tugon sa naging epekto ng pananalasa ng bagyong Tino– ang Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Office VII ay agad na nagpakilos ng rapid response team upang suriin ang pinsala sa mga negosyo at alamin ang mga nawalan ng trabaho upang masiguro na makatatanggap ng naangkop na tulong mula sa ahensya. Ayon sa DOLE, ang mga lugar na labis na naapektuhan ay ang Danao City (300 establishments), Compostela (130), at Liloan (65) base sa inisyal na datos na nakalap ng Cebu Provincial Field Office (CPFO). Sinabi ni Regional…

Read More

‘EMMAN ATIENZA BILL’ SUPORTA NG MANILA CITY COUNCIL

SUPORTADO ng Manila City Council ang “Emman Atienza Bill” na naglalayong protektahan ang mga kabataan laban sa online harassment. Ang batas na ito ay inihain ni Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito bilang pag-alala kay Emmanuelle “Emman” Atienza na nakaranas ng cyberbullying. Sa isang pahayag, sinabi ni Vice Mayor Chi Atienza na sana’y magsilbing aral ang nangyari sa kanyang pamangkin na kailangan nating ipagtanggol ang ating mga anak sa digital world. Hinikayat din ng bise alkalde ang publiko na mag-ingat sa mga salitang binibitawan at magpakita ng kabutihan araw-araw. “Sana’y…

Read More

MGA GURO UMALMA SA 24.8M FUNCTIONALLY ILLITERATE NA PILIPINO

MARIING kinondena ng grupo ng mga guro ang tinawag nilang “kriminal na kapabayaan” ng gobyerno sa sektor ng edukasyon matapos lumabas ang ulat na 24.8 milyong Pilipino ang functionally illiterate — o hindi nakakabasa at nakasusulat nang naaayon sa pang-araw-araw na pangangailangan. Sa isang matinding pahayag, sinabi ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines Chairperson Ruby Bernardo na ang naturang bilang ay hindi lang mga numero, kundi mga tunay na Pilipinong itinanggi ang kanilang pangunahing karapatan sa dekalidad na edukasyon. “Ito ang mapait na ani ng talamak na kakulangan sa…

Read More

PCG, PNP NAKAALERTO SA PANIBAGONG BAGYONG ‘UWAN’

NANANATILING nakaalerto ang Philippine Coast Guard (PCG) kahit tuluyan nang nakalabas ng bansa ang Bagyong Tino, dahil sa paparating namang Bagyong Uwan, na ayon sa PAGASA ay mas malakas kaysa sa naunang bagyo. Ayon sa PCG, isinaaktibo na ng Coast Guard District Northeastern Luzon ang kanilang Deployable Response Groups sa San Fernando, La Union, kung saan inaasahang tatama si Uwan sa bahagi ng Northwestern Luzon. Tiniyak ng ahensya ang kahandaan ng rescue gears, communication equipment, at mga floating assets para sa agarang evacuation at rescue operations. Naka-heightened alert din ang…

Read More

PNP: SIMPLE AT MAKABULUHANG PASKO BILANG PAKIKIISA SA MGA NASALANTA NG KALAMIDAD

ALINSUNOD sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ipinag-utos ng Philippine National Police (PNP) na gawing simple at matipid ang lahat ng Christmas at year-end celebrations ng kanilang mga yunit sa buong bansa bilang pakikiisa sa mga Pilipinong naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad. Sa pangunguna ni Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr., tiniyak ng PNP na magiging makabuluhan at makatao ang pagdiriwang ngayong Kapaskuhan. Agad na inatasan ni Nartatez ang lahat ng Regional, Provincial, at Station Commanders na panatilihing payak ang kanilang mga selebrasyon at iwasan ang…

Read More

OMBUDSMAN TINIYAK HUSTISYA SA MGA SINALANTA NG BAGYONG TINO

PINAKILOS ng Office of the Ombudsman ang binuong special task force para magsagawa ng masusing imbestigasyon sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Tino, kasunod ng hinalang may kinalaman dito ang umano’y flood control scam. Sa inilabas na pahayag ng Ombudsman, sinabi ng ahensya na duda ang anti-graft body sa mga proyekto sa Cebu City at iba pang lugar na dapat sana’y nagsilbing panangga laban sa malawakang pagbaha, ngunit mistulang napabayaan o hindi natapos. Kasabay nito, nagpaabot ng pakikiramay ang Ombudsman sa mga pamilya ng mga nasawi sa kasagsagan ng…

Read More

PAG-IIMBESTIGA SA PINSALA NG QUARRY SA CEBU IPINASA SA DENR

IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang imbestigasyon sa mga alegasyon ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) na ang matinding pinsalang idinulot ng Bagyong Tino sa Cebu ay resulta umano ng walang habas na quarrying, na pinalala pa ng korupsyon at kapabayaan ng pamahalaan. Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, alam na ng DENR ang dapat gawin kaya hindi na kailangang iutos pa ni Pangulong Marcos ang pagsisiyasat sa ganitong klaseng sitwasyon. “Sa ngayon po ay wala pa…

Read More

TAUMBAYAN ‘PINAIIKOT’ NG KAMPO NI ZALDY CO

LALONG ginagalit ng kampo ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co ang taumbayan, ayon kay Navotas Rep. Toby Tiangco, matapos ang online press conference kahapon kung saan iginiit ng abogado ni Co na si Atty. Ruy Rondain na may banta umano sa buhay ng kanyang kliyente kaya hindi ito makauwi sa bansa. “One thing is very clear sa kanyang statement na walang balak si former Congressman Zaldy Co para harapin yung mga kaso niya. Yung maliwanag na maliwanag…dati ko nang sinasabi yun,” ani Tiangco. Ayon kay Tiangco, malinaw na…

Read More