TULONG SA NASUNUGAN INUNA NG ATEACHER, KAMPANYA PATULOY

PATULOY na umaarangkada campaign sorties ng ATEACHER Party-list sa Bulacan na pansamatalang nagbigay ng oras upang mag-abot ng tulong sa libo-libong biktima ng sunog sa Tondo, Manila. Personal na nagtungo sa lugar si Virginia Rodriguez at ang kanyang grupo matapos magsagawa ng motorcade sa Sta. Maria, Bulacan para magbigay ng tulong sa mga biktima na nawalan ng tahanan dahil sa sunog. Nagpasya si Rodriguez na bigyan pansin ang mga nasunugan sa Pas Compound, Port Area, Tondo, Manila noong April 23. Pinangunahan ni Rodriguez, nominado ng ATeacher Party-list, ang pamamahagi ng…

Read More

PANGHAHARAS NG ONLINE LENDING COMPANIES IKINABAHALA

NABAHALA si Senador Sherwin Gatchalian sa patuloy na pamamayagpag ng online lending companies at panghaharas na ginagawa sa mga nagkakautang sa kanila. Kaya muling iginiit ni Gatchalian ang pangangailangan ng batas na magbabawal sa mga hindi makatarungang paraan ng paniningil ng utang ng mga online lending companies. Nagbabala si Gatchalian sa istilo ng mga lending companies kung saan ginagawa nilang mas madali para makautang ang mga tao. Lumilitaw sa mga reklamo na natatanggap ni Gatchalian isang araw lang na hindi makabayad, puro pananakot na ang ginagawa ng mga tauhan ng…

Read More

PAKIKIDALAMHATI SA MGA KATOLIKO, PAG-AALALA SA MGA OBRERO IPINAABOT NG TRABAHO Party-list

NAGPAABOT ng pakikidalamhati sa mga Katoliko ang TRABAHO party-list kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis. “We mourn the passing of Pope Francis”, mababasa sa Facebook page ng 106 TRABAHO Party-List nitong Lunes. Kalakip ng nasabing mensahe ang larawan ng Santo Papa at sipi mula sa kanyang homily patungkol sa kabanalan ng trabaho bilang pinakaunang bokasyon ng tao. Sa mga salita ni Papa Francisco, “Ito ang pinakaunang bokasyon ng tao: magtrabaho. At ito rin ang nagbibigay ng dignidad sa tao- siyang dignidad na naghahalintulad sa kanya sa Panginoon. Ang dignidad ng…

Read More

MANGGAGAWA, KABATAAN SUPORTADO MGA TEODORO

NAGPAHAYAG ng buong suporta ang ilang labor groups at isang youth organization sa kandidatura nina Marcy Teodoro at Maan Teodoro bilang 1st District Representative at Mayor, ayon sa pagkakasunod. Sa isang pahayag, sinabi ng Manggagawa Para sa Kapakanan at Pagkakaisa sa Armscor (MAKAPA-ARMSCOR), Samahan ng Manggagawa sa Sunlight Food Corporation (SMSFC), Samahang Manggagawa ng Ponderosa Leather Goods Company, Inc. (SMPLGC), Kapatirang Samahan ng Manggagawang (KASAMA) Labor Federation, at National Confederation of Labor (NCL) na napatunayan ng mga Teodoro na sila’y maaasahan, lalo na tuwing panahon ng krisis tulad ng pandemya…

Read More

HEIDI BINATIKOS SA PAGBABAGO NG POSISYON KAY QUIMBO

BINATIKOS si senatorial candidate Heidi Mendoza sa kanyang pagbaligtad sa nauna niyang paninindigan kay Marikina City 2nd District Rep. Stella Quimbo. Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Mendoza na hindi siya sang-ayon sa ilang mga posisyon ni Quimbo ukol sa iba’t ibang polisiya, ngunit handa siyang isantabi ito alang-alang sa Marikina. “I may not have agreed with Stella’s policy positions 100 percent in the past, but I set those differences aside for the sake of my love for my city. Hindi naman pwedeng hindi buksan ang puso at isipan dahil…

Read More

COMELEC SINUSPINDE P273-M AYUDA SA BATANGAS

PINAHINTO ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapatupad ng iba’t ibang financial assistance na umaabot sa P273 milyon sa Batangas upang maiwasang magamit ito ngayong midterm election. Sa desisyon ng Comelec en banc na may petsang Abril 21, 2025, sinuspinde nito ang exemption na binigay sa provincial government ng ng Batangas, na pinamumunuan ni Gov. Hermilando Mandanas, para magpamahagi ng ayuda sa panahon ng halalan. Inatasan din ng poll body ang Law Department na imbestigahan ang mga alegasyong binanggit ng Progressive Allied Batanguenos (PAB) sa kanilang reklamo at agad isumite…

Read More

MGA OPISYAL NG QUIRINO PROVINCE INENDORSO SI ERWIN TULFO SA SENADO

PORMAL na inendorso ng mga pangunahing lider ng Quirino Province si Erwin Tulfo bilang kandidato sa Senado para sa darating na halalan ngayong Mayo, sa pangunguna nina Governor Dakila “Dax” Cua at Lone District Representative Midy Cua. Nitong Huwebes, binisita ni Tulfo ang probinsya na may mahigit 130,000 na rehistradong botante kung saan mainit ang naging pagtanggap sa kanya ng mga opisyal. Mismong ang mga lider na ng Quirino ang nagsabi na simula noong sekretarya pa lang ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) si Tulfo ay walang patid…

Read More

PAHAYAG NI HARESCO ITINUTURING NG ISANG RETIRADONG SUNDALO NA BANTA SA SEGURIDAD

BINATIKOS ng isang retiradong sundalo si Aklan 2nd District Rep. Teodorico Haresco Jr. dahil sa pagtatanggol umano nito sa kanyang chief of staff na si Benjie Tocol, na nahaharap sa kasong pagpopondo at pagsuporta sa teroristang grupong New People’s Army (NPA). Ayon kay Sgt. Mallan Mendoza, dating kasapi ng 3rd Civil-Military Operations Battalion ng Philippine Army, isang banta sa national security ang isinumiteng affidavit ni Haresco pabor kay Tocol. “Si Haresco ay nagsilbing testigo ni Tocol. Naglabas pa siya ng affidavit para ipagtanggol ang kanyang tauhan at tutulan ang imbestigasyon.…

Read More

‘ALYANSA’ HAHATAW SA BALWARTE NG ‘SOLID NORTH’

DADALHIN ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, ang powerhouse Senate slate na iniendorso ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang buong puwersa ng kampanya nito sa Pangasinan ngayong Biyernes (Abril 25), bilang pagpapasigla sa “Solid North” sa ika-apat na probinsiya na may pinakamaraming botante sa buong bansa. May mahigit 2.15 milyong rehistradong botante ang Pangasinan, kabilang na ang component city ng Dagupan, at nakapagtala rito ng 87.18% turnout noong 2022, kaya’t nananatili itong isa sa mga pinakamahalagang lalawigan tuwing halalan. Ang probinsiya ay nagbigay ng 1.29 milyong boto para kay…

Read More